Chapter 25: The Green Light

101K 4.5K 2.2K
                                    

25.

The Green Light

Third Person's POV


Flashback


"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko." Nakangising sambit ng babae habang dahan-dahang sinusuklayan ang mahabang buhok ni Shannon.


Tadtad ng pasa at sugat ang buong katawan si Shannon. May mga sugat pa siyang hanggang ngayo'y nagdurugo parin pero tila ba nakasanayan na niya ang labis na sakit. Napakarungis at halos gula-gulanit na ang suot na school uniform.


"Salamat po mama." Walang kaemo-emosyong sambit ni Shannon habang nakatingin sa kawalan.


"Nagustuhan mo ba ang bago mong kwarto anak?" Muling tanong babae habang nililibot ang kanyang paningin sa kwartong punong-puno ng mga salamin. Naghintay siya ngunit wala siyang nakuhang sagot sa nakatulalang si Shannon.


Nakita ng babae ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Shannon dahilan para agad mawala ang ngisi sa mukha niya.


"Ano? Iniiyakan mo na naman sila? Anak, ako lang ang nagmamahal sayo, ako lang." Giit ng babae at inilabas ang mga litrato mula sa kanyang bulsa.


"Anak hindi ka nila hinahanap, ni hindi nga sila apektado sa pagkawala mo. Ilang buwan ka na sa puder ko, kung hinahanap ka nila, edi sana kasama mo na sila. Kung ayaw mong maniwala, heto tingnan mo." Sabi pa nito dahilan para mapatingin si Shannon sa mga litrato.


Lalong umagos ang luha mula sa mga mata ni Shannon nang makita kung ano-ano ang nasa mga litrato—Ang ama niyang masaya habang nasa loob ng isang restaurant at kasama ang isang babae, sina Kiana at Aiden na magkasama sa park, si Candy na may kasamang ibang grupo ng mga kaibigan at si Sage na mistulang napakasaya habang naglalaro ng baseball.


"Yung kaibigan mo namang mataba, hindi ko nakita. Hindi ko alam saan na siya dinala ng mabuting kamay." Dagdag pa ng babae kaya muling napatulala ang luhaang si Shannon na animo'y wala na sa sariling isip at katinuan.


"Iniisip mong masama akong tao? Pwes nagkakamali ka, pinapakita ko lang sa'yo kung ano ang totoo. Hija, hindi kita kadugo pero sa puso't isipan, anak kita." Dagdag pa nito at niyakap ng mahigpit si Shannon at hinalikan sa noo.


Napatitig si Shannon sa sariling repleksyon sa salamin, bagay na nakita ng babae.


"Ikaw si Maddieson Paredes, di gaya ni Shannon Galvez, mahalaga ka. Walang nagmamahal kay Shannon Galvez, kay Maddieson Paredes meron. Maddieson... Ikaw si Maddieson." Paulit-ulit na sambit ng babae kaya napapikit na lamang ang tila ba wala na sa sariling si Shannon.


****


Few Months Later

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon