Chapter 27: What hurts the most

81.8K 4.2K 1.9K
                                    

27

What hurts the most

Third Person's POV


"Babalik kami, babalik kami. Pangako." Giit ni Shannon at agad na hinalikan ang noo ng wala paring malay na si Kiana bago umalis ng ospital kasama si Sage.


"Sage anong mangyayari kay Candy?" Paulit-ulit sa pagtatanong si Shannon habang kapwa sila dumadaan sa fire exit ngunit walang maibigay na kasagutan si Sage.


Nang makarating sila sa Parking Lot ng ospital ay agad na huminto sa harapan nila ang van na minamaneho ni Toshino kasama si Aiden.


"Asan si Candy? Naaresto na ba si Candy?" Tanong ni Aiden ngunit laking gulat nila nang bigla na lamang tumawa si Toshino na siyang nagmamaneho ng sasakyan.


"Anong nakakatawa?!" Nakangiwing bulyaw ni Sage.


"Natawa lang ako sa 'naaresto ba si candy', I mean noon pa lang hinulaan ko nang maari niyang ikakulong ang tabas ng dila at pagka-tililing ng utak niya." Tumatawang sambit ni Toshino at agad na napalingon sa kanyang kasamahan na animo'y hinihintay itong tumawa.


"'Di nakakatawa pre." Mahinang sambit ni Aiden.

"Sad life." Mahinang sambit ni Toshino at bumalik na lamang sa pagmamaneho.


"Saan tayo pupunta? Ano nang mangyayari kay Candy?!" Muling tanong ni Shannon kaya naman muling napahawak si Sage sa kamay niya.


"Wala kang dapat ikatakot, magiging okay ang lahat. Si Candy, kahit medyo maluwag ang tornilyo sa utak nun, magiging maayos siya. Siguradong kung nasaan man si Candy ngayon, patawa-tawa lang 'yon habang pinagt-tripan ang mga pulis na humuli sa kanya."


*****


"Utang na loob!!! Kuya please naman paki palitan ang kanta! Nakakadiri!" Pagmamakaawa ni Candy habang nakaupo sa backseat ng patrol car. Hindi mapalagay ang dalaga lalo pa't labis siyang naiirita sa kalumaan ng kantang pinapatugtog ng dalawang pulis na kasama niya sa sasakyan.


"Welcome to the hotel California! Such a lovely place!" Tila ba nang-aasar ang pulis na nagmamaneho dahil mas nilakasan pa nito ang kanta at sumabay pa sa pagbirit nito. Samantalang ang isa pang pulis ay nagwawagayway ng kanyang kamay habang pasimpleng sumasayaw sa kinauupuan.


"Putangina niyo talaga! Isusumbong ko talaga kayo kay Mayor!" Napatili na lamang si Candy sa labis na inis at paulit-ulit na iniuntog ang sariling ulo sa bintana dahilan para pagtawanan siya ng mga pulis na kanina pa siya inaasar at pinagt-tripan.


Sa isang iglap ay laking gulat ni Candy nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok at ilang sandali pa'y agad na nagpasirko-sirko ang sasakyan hanggang sa tuluyan itong mabangga sa isang puno.


"Oh shit." Mahinang sambit ni Candy nang unti-unti niyang idilat ang mata't makita ang duguan niyang repleksyon sa salamin. Panay ang pag-ubo niya dahil sa matinding usok ngunit sa kabila nito ay pinilit niyang gumawa ng ingay.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon