Chapter 17: Metanoia

100K 4.6K 970
                                    

Chapter theme up there :) 

17.

Metanoia

Maddy


"Ano ba kasing meron sa abandonadong skating rink?!" Umalingawngaw ang nakaririnding sigaw ni Montoya sa loob ng sasakyan. Bwisit, ba't ba ang hilig niyang sumigaw?! Kung hindi lang siya nagmamaneho, kanina ko pa pinag-uuntog ang ulo niya sa salamin.


"Just shut up and drive faster okay?!" Bulyaw ko na lamang habang nandito sa backseat.


"Mas mabilis akong makakapagmaneho kung alam ko kung anong nangyayari!" Sigaw na naman niya kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko at sinipa ang likuran ng kinauupuan niya.


"Aray! Gusto mo bang mabangga tayo?!" Muli niyang sigaw at bahagya akong nilingon dito sa backseat.


"Just drive faster!" Sigaw ko saka pinanlisikan siya ng mga mata kaya wala siyang magawa kundi bilisan na lamang ang pagmamaneho.


Hindi nagtagal nakita kong napakalapit na namin sa abandonadong building kaya naman sinenyasan ko na si Montoya na huminto at agad rin naman niya itong ginawa. Lalabas na sana ako ng sasakyan ngunit naka-lock na ito. Subukan ko mang i-unlock, hindi ko magawa.


"Sabihin mo sakin kung ano ang nangyayari at palalabasin na kita." Ma-otoridad na sambit ni Montoya habang nakatingin lamang ng deretso sa daan.


Napakamot na lamang ako ng marahas sa ulo ko't napabuntong-hininga, "I killed Toshino Tirador but Kiana keeps seeing him and I even heard his damn voice on the intercom! I just want to find his rotting body and be done with this ghostly bullshit!"


"Ano?!" Agad na napalingon sakin ang kunot-noong si Montoya, "Seryoso ka ba?!"


"Mukha ba akong nagbibiro?! Now un-lock the car or so help me God, I will break this window using your ugly face!" Muli kong sigaw.


"Nakapatay ka talaga ng totoohan?! Teka akala ko ba hindi ka papatay ng kakilala?!" Nasapo niya ang noo ng marahas.


"My mind's a big mess! Just open the damn door!" Muli kong sigaw dahilan para wala siyang magawa kundi buksan na lamang ang pinto. Bago lumabas ay kitang-kita ko ang dismaya sa pagmumukha niya, na tila ba tuluyan nang nawala ang kakarampot niyang pagtitiwala sakin.


Binalewala ko ang lahat ng mga naglalaro sa isipan ko at kumaripas ako ng takbo papasok sa abandonadong building. Nahihirapan na akong huminga pero hindi ako tumitigil sa pagtakbo patungo sa kwarto kung saan ko sinaksak at pinatay si Toshino.


Napakadilim nang makarating ako sa pangatlong palapag kaya habang tumatakbo papasok sa isang pinto ay hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Ngunit laking gulat ko dahil sa isang iglap ay bigla akong may naapakang napakadulas. Nawalan ako ng balanse sa sarili ko't nadapa ako't bumagsak ng napakalakas sa sahig.


"Aray!" Napasigaw na lamang ako dahil sa sobrang sakit ng likuran ko. Sinubukan kong tumayo pero bigla kong naramdaman ang mamasa-masang kinahihigaan ko. Napakadilim, wala akong nakikitang kahit na ano bukod sa kadiliman kaya naman hindi ko malaman kung ano itong malapot na likidong nahihigaan at nahahawakan ko. Sinusubukan kong tumayo ngunit dahil sa sobrang dulas ng basang sahig ay paulit-ulit akong sumusubsob sa sahig.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon