Chapter 3: Going Incognito

175K 6.5K 6.2K
                                    

3.

Going incognito

Maddy


"A-aray sandali, dahan-dahan lang." Nauutal na sambit ni Sage habang iniiwasan ang bulak na idinadampi ko sa pisngi niya.

"Chillax, just try to enjoy the pain." Biro ko na lamang at mas diniinan pa ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat niya. Nage-enjoy akong panoorin siyang ngumingiwi dahil sa hapdi. Awe, ano kayang magiging reaksyon niya kung sasaksakin ko siya ng paulit-ulit? Ano kayang mga salita ang lalabas sa bibig niyang bumubulwak ng dugo? Magmaakaawa kaya siya? Magmumura? He looks like a nice guy, for sure tatanungin niya lang kung anong dahilan kung bakit ko siya sinasaksak.

Nagtaka ako nang mapansing nakatitig na pala siya sakin. Nakaramdam ako ng ilang nang magtama ang mga mata namin, ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin kaya ipinahawak ko na sa kanya ang bulak at tayo na lamang ako para kumuha ng kape mula sa vending machine.

"Salamat." Naiilang niyang sambit nang inabot ko sa kanya ang kape.

"May bayad 'yan." Giit ko saka ngumiti. Napatingin ako sa relo ko at napahikab na lamang ako nang makitang madaling-araw na pala.

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Sabi ni Sage habang nililibot ang paningin sa convenience store. Hindi ko alam kung ano ang pumasok ko't dinala ko siya dito matapos ko siyang makitang duguan at halos mawalan na ng malay sa eskinita. Sa totoo lang magaan na agad ang loob ko kay Sage kahit kakikilala lang namin sa isa't-isa, siguro kasi nakakaawa ang tingin ko sa kanya, hindi siya isang victim material. Ang tipo ko kasing biktima yung mga nag-aangas-angasan, mas masarap patayin ang mga masasama, para ko kasi silang mas nahihigitan sa tuwing winawaksan ko ang buhay nila. Weird, I know.

"Sina Kalvin ba ang gumawa sa'yo niyan? Pati yung sugat mo kaninang umaga?" Tanong ko na lamang at muling naupo sa likod ng counter habang si Sage, naiwan sa maliit na mesang malapit sa pinto.

Tumango si Sage at umiwas ng tingin, nahihiya for sure.

"Bakit nila ginawa yan sayo?" Tanong ko ulit.

Unti-unting ibinalik ni Sage ang tingin sakin at ngumiti, "Kasi kaya nila."

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng magkahalong inis at lungkot dahil sa sinabi niya. Parang kinurot ang puso ko na ewan, pamilyar sa akin ang pakiramdam na'to. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Kasi binibigyan mo sila ng pagkakataong gawin yan sayo." Giit ko at hindi ko na napigilang mapasinghal, "Wala silang kapangyarihan pero dahil nagpapaapi ka, para mo narin silang binibigyan ng kapangyarihang saktan ka. Umayos ka nga, gwapo ka sana kaso shushunga-shunga ka." Tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

Akala ko magagalit siya o di kaya'y mangangatwiran pero nagtaka ako nang mapansing nakatingin parin siya sakin at napakalapad na ng ngiti sa mukha niya. Eww.

"Don't smile at me like that. I hate cute stuff. Don't be so be so cutesy, you make me want to stab you with a lollipop." Sabi ko na lamang at kumuha ng lollipop mula sa bulsa ko.

Bahagya siyang tumawa at umiling-iling, "You're weird."

"I'm not weird. I'm a murderer." Mahina kong sambit.

"Ha?" Aniya habang hinihipan-hipan pa ang mainit na kape.

"Sabi ko umuwi ka na para magawa ko ng maayos ang trabaho ko. And please don't come back okay?" Sabi ko na lamang pero tumawa parin siya. Akala ba niya nagbibiro ako?

"Hindi ka ba natatakot? Mag-isa kang nagtatrabaho dito at night-shift pa?" Aniya kaya ako naman ang natawa. Sila ang dapat matakot sakin kasi iba ako sa mga normal na masasamang loob, hindi libog o pera ang habol ko, higit akong mas masama kesa sa kanila. Kung tutuusin higit akong mas nakakatakot kasi ako, mapagbalat-kayo. Inosente ako kung ituring ng lahat, wala silang kamalay-malay sa mga bayolenteng pangyayaring nasa isipan ko. Let's just say that I'm a wolf in a schoolgirl's clothing. People judge using their eyes—that's my upper hand.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon