Chapter 7: The new cop in town

97.3K 5.3K 2K
                                    

7.

The new cop in town

Maddy


Napangisi ako nang mag-isa kong nadatnan si Lily sa comfort room. Umiiyak siya habang pilit na inaayos ang sarili sa harap ng mahabang salamin. Mukhang labis siyang naapektohan sa pagkamatay ni Naomi ah? Close nga naman siguro talaga sila.

Isinara ko ang pinto at pasimple itong ini-lock, ayoko kasing may makadistorbo.

Tinabihan ko si Lilly sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon. Saglit na namayani ang katahimikan. Hindi ako gumagalaw samantalang siya naman, pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Napansin kong pasimple siyang napatingin sakin, na-weirduhan siguro.

"Malakas ka bang manabunot?" Basag ko na lamang sa nakakailang na katahimikan sabay ngisi.

"Ano?" Kunot-noong sambit ni Lily saka napatingin sa repleksyon ko.

"Ang sabi ko, malakas ka bang manabunot?" Pag-uulit ko dahilan para taasan niya ako ng isang kilay. Wow, mataray.

"Weirdo." Mahina niyang sambit at dali-daling kinuha ang shoulder bag niyang nakapatong sa gilid ng lababo na para bang nagmamadaling umalis. Pero bago pa man siya makalayo sakin ay agad ko siyang hinarang saka inilabas ang maliit ngunit napakatalas na kutsilyo mula sa bulsa ko.

"Oh my God!" Agad siyang napasigaw sa gulat at dali-daling umatras. Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon niya. The frightened look in her face is priceless!

"Shhh." Ngumisi ako at bahagyang idinampi sa labi ko ang kutsilyo, "Don't scream, Scream fuels my vibe. You won't like what happens when I'm at my full vibe." Dagdag ko pa saka dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya dahilan para mas lalo siyang umatras hanggang sa mapasandal sa malamig na pader.

"'Wag kang lalapit! Bitch! Wag kang lalapit!" Panay ang pagbabanta niya pero sa kabila nito ay nakikita ko na ang pangingnig ng mga kamay at pangingilid ng luha niya. Namumutla na nga siya eh.

"Aw, how cute." Sarkastiko kong sambit habang mas nilalakihan pa ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya.

Wala na siyang ibang magawa kundi mapapikit at maiyak nang tuluyan akong makatayo sa mismong harap niya.

"P-please don't hurt me..." Panay ang pag-agos ng luha niya habang nagmamakaawa.

Napangisi ako lalo at dahan-dahang idinampi ang tuktok at pinakamatalim na bahagi ng kutsilyo sa noo niya. Dahil sa ginawa ko ay lalo siyang umiyak at napapikit. Pigil siya paghinga, alam niyang isang maling galaw lang ay masusugatan na siya...masasaksak.

"But I want to..." Panunuya ko at dahan-dahang dinantay ang kutsilyo pababa sa pusod niya dahilan para mapapitlag siya't lalong maiyak.

"P-arang-awa mo na.." Sa sobrang paghikbi niya ay halos hindi na siya makapagsalita pa.

Napabuntong-hininga na lamang ako at marahas na hinigit ang buhok niya saka idinampi ang kutsilyo sa gitna ng hita niya.

Unti-unti kong inilapit ang labi ko sa tenga niya, "Dearest Lily, the next time you hurt Kiana again or just as much look at her with your fucking eyes, You will lose you virginity to a knife." Bulong ko, "But then again, I can just sneak into your house late at night and slash your parent's throat as they sleep. Take your pick."

"Oh my God 'wag... Sorry sa ginawa ko kay Kiana! Please wag mong sasaktan ang mga magulang ko! Parang awa mo na! Hihingi ako ng tawad kay Kiana! Hindi ko na siya ulit lalapitan pa! Please patawarin mo ako!" Pagmamakaawa pa niya kaya humakbang na ako paatras mula sa kanya at ibinalik na sa loob ng bulsa ko ang kutsilyo.

"Good! Now don't tell anyone about our little friendly conversation okay? My uncle is a very powerful policeman... you don't want to mess with me.. you don't want to mess with Kiana." Sabi ko pa saka lumapit sa salamin upang ayusin ang natabi kong headband. They were right, I do look good in Pink. I'm starting to like it.

Ibinalik ko ang tingin kay Lily at nakita kong nakaupo na siya sa sahig. Akala ko tatakbo na agad siya palabas pero mukhang hindi ata siya makagalaw. Mukhang takot na takot parin siya. Iyak lang siya ng iyak habang nangingnig parin sa sobrang takot.

"Bye Lily!" Sabi ko na lamang at nag flying-kiss sa kanya bago lumabas ng comfort room.

Pagkatapos kong kausapin si Lily ay agad akong nagpunta sa canteen para bumili ng Ice Cream. Hindi ko alam kung nasaan si Kiana, nung huli ko siyang makita ay kasama niya si Candy na siyang nagco-comfort sa kanya, but I have an idea kung nasaan siya.

"Ningning Aning! I got Ice cream!" Sigaw ko pagdating ko sa kubo kung saan laging nakatambay si Kiana kaso walang katao-tao dito kaya napangiwi na lamang ako. Oh well, on the bright side masosolo ko ang ice cream.

Habang mag-isa kong ineenjoy ang ice cream ay nagtaka ako nang may marinig akong boses ng lalaki na animo'y galit. Para itong nanggagaling sa labas kaya naman dumungaw ako mula sa bintana at nakita ko ang isang pulis na may kausap sa telepono.

Teka kilala ko tong parak na'to ah?

"Ba't mo ba kasi ako pinadala dito sa Eastridge?! Nakiusap ako sayo na ipadala mo ako kung saan maraming aksyon pero putangina nasa gitna ako ng kawalan! Oo na, may kaso ng patayan pero parang bata ang trato nila sakin! Gusto ko ng action! Ng barilan! Ng Thrill! Pinili kong maging—Hello? Sir Robbie? Putangina ba't mo ako binabaan?!"

Skylark Montoya... Ang pulis na mukhang may toyo and come to think of it, ang cute pala ng mga mata niya, sobrang singkit. For sure pag tumawa 'to, para tong walang mata.

"Putangina mo Robbie Chen! Mabaog ka sanaaaaaa!" Bigla niyang sigaw habang nakataas ang mga kamay sa kalangitan. And again, pulis ba talaga to?!

"Dude would you please shut up! Someone's enjoying a quality time with food here!" Sigaw ko habang bitbit parin ang container ng ice cream at dumudukot dito sa tulong ng tinidor... yeah, naubusan na ng kutsara ang canteen. How pathetic.

Bigla siyang tumawa at tinuro ang sarili niya, "Miss ako ba ang sinisigawan mo? Isang pulis?" Sarkastiko niyang sambit.

"Ikaw ang sinisigawan ko, Isang pulis na kung umakto eh parang nasa puberty stage pa." Sarkastiko ko namang sagot sa kanya sabay ngisi.

"Puberty stage? Para sabihin ko sayo isa akong magaling na forensics analyst na ni-recruit para maging isang detective dahil sa nakita nilang potensyal sakin. Magaling ako sa science, metacognition, hand-to-hand combat at mas lalo akong mas magaling sa paghuli at paghanap ng mga masasamang loob! Para akong isang aso pagdating sa mga kriminal! Malayo pa lang sila, naamoy ko na ang mga halang na kaluluwa nila! At handa ko silang sakmalin at isuplong sa batas!" Buong pagmamalaki niyang bulalas. Sa sobrang bilis ng pananalita niya, hiningal siya sa huli.

Pumalakpak ako ng mabagal, "Talaga lang ha? Kung ganun, may naamoy ka bang isang serial killer sa malapit?"

"Bwisit, ba't ba ako nakikipagtalo sa isang batang gaya mo." Naiinis niyang sambit at agad na naglakad palayo.


END OF CHAPTER 7.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now