Chapter 8: Malice in Murderland

118K 5.4K 2.5K
                                    

8.

Malice in Murderland

Maddy


Wala akong ibang magawa kundi maiyak nang tumama sakin ang napakalakas na sampal ni Mama. Nangingnig ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko na alam anong gagawin, gusto ko lang manatiling nakapikit dahil ayoko nitong nakikita ko.


"Maddison! Ang dali-dali lang nitong pinapagawa ko sayo pero hindi mo kaya?! Wala ka ba talagang kwenta?!" Muli niyang sigaw sakin.


"Ma hindi ko kaya... Please ayoko po..." Umiling-iling ako. Panay ang pagmamakaawa ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Hindi na ako halos makahinga kaiiyak.


"Maddison idilat mo yang mga mata mo!" Hinawakan ni Mama ng marahas ang magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay. Hindi ko dinidilat ang mga mata ko kaya naman muli kong naramdaman ang dahas mula sa mga kamay ni Mama.


"Idilat mo ang mga mata mo! Kung alam ko lang na magiging suwail ka,ipinalaglag nalang sana kita!" Utos ni Mama habang marahas na hinihigit ang ulo ko sa direksyon ng mesa.


Nararamdaman ko na ang umaagos na dugo mula sa ilong ko. Maraming beses na'tong ginagawa ni Mama at hindi siya tumitigil hangga't sa hindi ko nagagawa ang gusto niya kaya wala akong magawa kundi idilat na lamang ang mga mata ko.


"Tingnan mo sila! Mga wala silang kwenta! Ayaw mo namang maging kagaya nila diba?!" Hinigit ni Mama ang kamay ko at sapilitang pinahawak sakin ang isang malaking kutsilyong may bahid pa ng dugo.


Napatingin ako sa kanila... Sa mga lalakeng duguan, nakatali sa mga kinauupuan at nakapalibot sa malaking mesa. Hindi ko sila kayang tingnan. Gabi-gabi naririnig ko ang mga palahaw nila, gabi-gabi naririnig ko silang humihingi ng tulong at nagmamakaawa habang pinapahirapan sila ni Mama.


"Maddison Anak, simulan mo sa kanya." Bulong ni Mama at inalalayan ang kamay kong nangingnig sa paghawak ng kutsilyo.


Napatingin ako sa may edad na lalaking nasa upuang pinakamalapit sakin. Hinang-hina na siya at hindi na halos makagalaw. Naliligo siya sa sariling dugo at ang anit niya ay natutuklap na. Hindi na siya makapagsalita, ang tanging nagagawa niya lang ay ang umiyak at dumanguyngoy, siguro gaya ng iba, pinutulan narin siya ng dila.


Lalo akong napaiyak nang magtama ang mga mata namin. Akala ko galit ang makikita ko sa mga mata niya, pero hindi galit ang nakita ko kundi pagsusumamo... para siyang nagmamakaawa sakin patayin siya... para siyang nagmamakaawang tapusin ko na ang paghihirap niya sa kamay ng mama ko.


Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tuluyan akong nasuka at nabitawan ko ang kutsilyo.


"Ma.. hindi ko kaya... Ma sorry.." Iyak ako ng iyak pero gaya ng inaasahan ay wala akong ibang nakita sa mukha niya kundi matinding galit at dismaya.


"Ba't ba ako nagkaroon ng anak na kagaya mo!" Sigaw niya at walang ano-ano'y itinaas ang palad niyang nanginginig sa matinding galit kaya napapikit na lamang ako't inihanda ang sarili sa mararamdamang sakit.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon