Chapter 14: The Girl who knew too much

112K 4.9K 2.2K
                                    

14.

The Girl who knew too much

Maddy


"Ako si Skylark Montoya—"


"Really dude? Really?" Sarkastiko kong sambit sa kanya at bagot siyang tiningnan sa mga mata. Baliw pala tong lalakeng 'to eh, ilang araw na kaming magkakilala pero heto't nagpapakilala parin. Palibhasa nire-record niya 'tong magiging usapan namin bilang standard operating procedure, well the joke is on him though kasi tinanggal ko na ang tape kanina pa. Katanga talaga nito.


But hey, kung sila may Standard Operating Procedure, kami ni Mama, meron din. Mama calls it her Madness Protocol. Isa ito sa mga itinuro niya sakin. Mama basically taught me what to do and what to say when this or that happens. The last part of the protocol is kind of a worst case scenario but then again, hindi naman siguro hahayaan ni Mama na umabot kami doon.


Napabuntong-hininga na lamang ako sa sobrang pagkabagot, "My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night. At bago ko pa makalimutan, isa nga pala akong serial killer."


"Serial Killer?" Natatawang sambit ni Montoya na ayaw maniwala.


"Do you want me to define what a Serial killer is or do you want me to show you an actual demonstration? Take your pick." Ngumisi na lamang ako at napatingin sa baril na nasa holster niya.


Bigla siyang tumawa saka umiling-iling, "Kung isa ka ngang Serial Killer, bakit ka nandito? Ba't mo sinusuplong ang sarili mo?"


Napasuklay na lamang ako at napatitig sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangisi lalo na't alam kong isa itong two-way-mirror at wala namang tao sa kabila since busy sila dahil sa nangyari kay Uncle at karamihan sa mga pulis ay may nirespondehang malay ko kung ano.


"Andito ako, sakin ka tumingin." Walang emosyon niyang sambit saka inilabas ang litrato ng bangkay ni Naomi at nung holdaper mula sa folder niya.


"Ouch." Pabiro kong sambit saka sarkastikong ngumiwi.


"Kung isa ka ngang Serial Killer gaya ng sinasabi mo, ikaw ba ang pumatay sa kanila?" Sarkastiko niyang sambit dahilan para muli akong mapangisi.


"Nope. To be honest, I actually didn't murder them. I mean, I wanted to but I can't do it because it's against my principles," Bahagyang kong inilapit ang mukha ko sa kanya, "Hindi ako pumapatay ng mga kakilala. Precautionary measure my friend." Dagdag ko pa sabay taas-baba ng kilay ko. Pero nakakainis, ako mismo, hindi ko sinunod ang sarili kong prinsipyo. Ugh! Lintik naman kasi, ba't ko b kasi yun ginawa sa kanya?!


"Miss adik ka ba?" Bigla niyang tanong kaya di ko na napigilan pang matawa.


"Bobo ka rin pala no? Kakasabi ko lang, isa akong serial killer!" Napabuntong-hininga na lamang ako. Nakakairita na ang isang to ah...


"Bakit ka ba talaga nandito? O sige sabihin mo nalang sakin sino ang mga pinatay mo." Sabi pa niya sabay sapo ng batok niya dahil sa kunsomisyon. Bwisit, ako din stress na stress na sa kanya. Bulok kasi.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon