Chapter 21: Eyes on you

81K 4.3K 1K
                                    

21.

Eyes on you

THIRD PERSON'S POV




Dali-daling nilapitan ni Sage ang dalaga't naupo sa tabi nito. Hindi alam ni Sage anong gagawin kaya niyakap na lamang niya ito ng mahigpit.


Hindi nagsasalita si Maddy, iyak lamang siya ng iyak na animo'y wala na sa sarili. Mistulang naiintindihan ni Sage ang nararamdaman ni Maddy kaya imbes na magsalita ay hinayaan na lamang niyang umiyak si Maddy sa balikat niya.


"Bakit siya? Bakit siya pa?!" Pagwawala ni Maddy kaya mas hinigpitan ni Sage ang pagkakayakap sa kanya. Napapikit si Sage at hinayaan na lamang ang luha na tumulo mula sa mga mata niya.


****


Inihiga ni Sage ang walang malay na si Maddy sa kama nito. Nakita niya ang bahid ng dugo ni Kiana sa mga kamay ni Maddy kaya naman agad siyang kumuha ng bimpo at pinunasan ito.


"Everything will be okay... Everything will be okay..." Mahina at paulit-ulit na sambit ni Sage habang umaagos ang luha mula sa mga mata niya. Sinasabi niya ito na tila ba kinukumbinsi ang sarili at ang natutulog na si Maddy.


Biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman dali-dali siyang lumabas mula sa kwarto ni Maddy at sinagot ang isang tawag.


"Inihatid ko na si Maddy sa apartment niya." Ngunguto-ngutong sambit ni Sage habang marahas na sinasapo ang noo niya, "She's never going to be okay." Dismayado niyang sambit.


"Paano siya nakatakas?!" Biglang napasigaw si Sage sa kausap.


"We can't let her get to her..." Giit ni Sage.


*****


MADDY


Sa pagdilat ko pa lamang ng mga mata ko ay hindi ko naiwasang magtaka... Sa unang pagkakataon, hindi ako nagkaroon ng masamang panaginip. Sa unang pagkakataon, nakatulog ako ng mahimbing.


Uupo na sana ako ngunit nagulat ako nang mapagtanto kong hindi pala ako nag-iisa. Nakahiga ako sa mismong balikat ng natutulog na si Sage at kapwa kami nakaharap sa isa't-isa na animo'y nagyayakapan pa.


Napatitig ako sa maamo niyang mukha habang natutulog. Sa kabila ng lahat, ng kasalanan ko sa kanya at sa mga kaibigan niya ay iba parin ang nararamdaman ko lalo na sa kanya.


Alam kong mali, alam kong dinadagdagan ko lang ang mga kasalanan ko sa pagiging malapit sa kanya kaya dahan-dahan na lamang akong lumayo mula sa kanya at naupo.


Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto kong andito pala ako sa apartment. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi rito. Ang huling naaalala ko lang ay nasa ospital ako kasama si...

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon