Chapter 16: No sins left unpunished

110K 4.6K 2.7K
                                    

16.

No sins left unpunished

Maddy


"Just drop me off here." Sabi ko nang matanaw ko ang apartment sa hindi kalayuan. Inihinto naman agad ni Montoya ang sasakyan. Siguro gaya ko, naiilang narin siya. Kanina pa kami tahimik. Hindi nagkikibuan. Parang napakalalim ng iniisip niya samantalang ako heto, hindi parin mapalagay dahil sa alaala ni Mama.


Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga kamay ko kaya itinatago ko na lamang ito sa bulsa ng jacket ko. Lalabas na sana ako mula sa sasakyan nang muli siyang magsalita.


"Anong nangyari sayo kanina?" Malamig niyang sambit at ni hindi man lang lumingon sakin.


"What happened?" Pagmamaang-maangan ko.


"You were running away while screaming your head off. Sinubukan mo man lang bang tulungan ang kaklase mo?" Aniya kaya napasinghal na lamang ako at napailing sa sobrang inis.


"My goal is to find the son of a bitch behind this. Your job is to save others. Let's just keep that in mind from now on." Sabi ko na lamang at lumabas na ng sasakyan, slamming the door shut on the way out.


Sa pagpasok ko pa lamang sa kwarto ko ay agad na akong napadapa sa kama. Napakaraming naglalaro sa isipan ko at isa na dun si Mama. Galit na galit siya sa puntong nagawa niya akong saktan at muntikan pang patayin... Ayoko na itong manatili sa isipan ko kaya kinuha ko na lamang ang laptop upang panoorin ang huling video sa flash drive.


"I WAS WRONG?" Hindi ko maiwasang magtaka sa pamagat ng video lalo pa't naka big letters ang lahat. According to this, the video was shot September of last year.


Sa pagsisimula pa lamang ng video ay agad kong nakita ang luhaang pagmumukha ni Shannon. Nanginginig ang mga kamay niya habang inaayos ang video sa harapan niya. Makaraan ang ilang sandali ay nakita kong napasandal si Shannon sa kama niya habang pilit na ngumingiti.


"The Croaker is not a bad person." Anunsyo niya saka dali-daling pinunasan ang luha sa pisngi niya. Pilit niyang pinipigilan ang pagluha sa pamamagitan ng pagngiti.


Hindi ko maiwasang mapansin ang mga kalat sa paligid ni Shannon. Nang tiningnan ko ito ng malapitan ay napagtanto ko kung ano ito—Mga litrato, mga litratong pinagpupunit.


"All this time I was wrong about The Croaker," Napabuntong-hininga si Shannon at sinapo ang noo niya na animo'y galit na, "God! I feel so stupid for even thinking she was a bad person! This was what I got for hanging out with Sage! I began to distrust people when all along, it was Sage who I shouldn't have trusted! All along, akala ko masama ang The Croaker pero hindi naman pala. Maling-mali ako sa paghusga sa kanya, masyado akong nabulag dahil sa mga fiction at kung ano-anong kademonyohang pinag-uusapan namin ni Sage noon!" Huminga ng malalim si Shannon at nilunok ang nagbabadyang hikbi, "Akala ko noon may mga kaibigan ako. Akala ko noon mahal nila ako gaya ng pagmamahal ko sa kanila. Sabi nila walang iwanan, pero asan sila ngayon? Putangina lang diba? Sa huli, iniwan nila akong nag-iisa. But sa kabila ng lahat, maswerte parin ako kasi andiyan siya para sakin. Siya na kailanman hindi ako at iniwan at sinukuan, siya na matiyagang nakinig at naging kaibigan ko—" Natigil si Shannon sa pagsasalita, bigla niyang kinuha ang mga picture frame at marahas itong itinapon sa sahig. Para siyang wala sa sarili, parang galit na galit siya. Malayong-malayo siya sa Shannon na napakabait sa mga kwentong ibinahagi nila Sage. She even screamed Putangina kanina, hindi ba't sabi ni Candy ayaw ni Shannon nang nagmumura? Anyare?... Oh, I get it, the good girl was finally pushed to her limits. Bitches can throw fits all they want, they can act tough and act cold but that's nothing to what a good girl is capable of. No one will ever surpass the wrath of a good girl pushed to her limits. That's the thing about really nice people, they can bottle up their emotions for the sake of others and be the bigger person but once the bottles are filled up with bullshit, they will erupt like a volcano of Madness. I like nice people. Never mess with nice people.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon