N.P.A. 20

145 41 12
                                    

"We were born to be REAL, not to be PERFECT" - unknown

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

************

UNEDITED (may mga errors like grammars, typos, tenses, etc.)

***N.P.A.20***

CLYDE's POV

It's been one week since the incident happened. I've been searching for Loner's whereabouts but still no luck in finding her.

I'm on my way going to the Mall to buy something. I parked my car and went straight to a bookstore. I was scanning some books when I saw someone who looks familiar to me, so I went near her and when she suddenly looked at me. I was stunned and couldn't even utter a word, it was Loner.

I was brought back to my sense when she suddenly talked.

"Hi, bakit ka nakatingin sa akin? May problema ba?" she looked so innocent but what the heck, she didn't know me.

"Are you kidding me? You don't know me?" I asked.

She looked confuse as if she really can't recognize me. She was about to say something, when we heard someone calling her and it was her friend Gelo.

"Zephy girl, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" at bigla itong napatingin sa gawi ko "Ohh! Hi Clyde, nandito ka rin pala"

Bigla kong napansin ang panlalaki ng mata ni Loner as if hindi siya makapaniwala na magkakilala kami ni Gelo.

"Gelo, kilala mo siya?" tanong niya habang nakaturo sa akin.

"Yup girl! His name is Clyde and his your boyfriend." Sabay kaming nagulat sa sinabi ni Gelo

"WHAT/HUH?"

"Ano bang sinasabi mo Gelo? Kasi sa pagkakaalam ko ay wala pa akong naging boyfriend kahit kelan" saad ni Loner

Nakatingin lang ako kay Gelo na inaantay ang magiging sagot niya.

"Well girl, may amnesia ka at malamang nakalimutan mong may boyfriend ka"

Agad napakunot ang noo ko sa sinabi ni Gelo.

"What do you mean that she had amnesia?"

Lumingon sa akin si Gelo at tumingin din siya kay Loner. Sinabihan niya si Loner na kakausapin niya lang ako saglit kaya medyo lumayo kami sa lugar ni Loner at duon niya sinabi sa akin ang lahat. Nagkaroon daw ito ng amnesia pagkagising niya palang sa hospital, hindi niya alam kung anong nangyari basta ang sabi lang sa kanya ay naaksidente daw ito.

Pinakiusapan niya akong samahan na muna si Loner at kung ayos lang na magpretend nalang akong boyfriend niya. Syempre sa una ay tumanggi ako pero kapag tinitignan ko kung gaano ka-inosente si Loner ngayon ay pumayag na din ako. Nagpaalam na si Gelo at iniwan sa akin si Loner at sinabihan akong tawagin ko siya sa pangalan niya which is hindi ako sanay gawin pero sa ngayon pipilitin ko.

"A-ano Lo-Z-zephy" tawag pansin ko sa kanya

"Bakit Clyde?" agad na tanong niya habang nakangiti.

Sh*t! I cursed; she looked so damn pretty and innocent with her smile. Ano bang nangyayari sa akin. I know that I'm interested with her, pero hindi yung nagkakagusto ako sa kanya. Interesado ako dahil she seems like a mystery to me na hindi ko pa siya kilala ng lubusan.

"May gusto ka bang gawin o puntahan?"

"Ahmm, ayos lang ba kung kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako" saad niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa isang restaurant. Parang ayoko ng tanggalin ang magkahawak naming kamay, sobrang lambot ng mga ito. Tinawag ko ang waiter at nag-order na ako ng pagkain namin. Ilang saglit lang ay dumating na rin ang mga pagkain pero hanggang sa nailapag na ang mga pagkain ay hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ahm Clyde, pwedeng pabitaw ng kamay ko? Hindi kasi ako makakakain ng maayos"

Dahil sa sinabi niya ay napapahiyang binitiwan ko ang kamay niya at nag-umpisa na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot pa kami sa loob ng mall. Marami kaming pinasok na boutique at naglaro din kami sa Time Zone. Masaya palang kasama si Zephy, hindi ako nabored sa mga ginawa namin at syempre hanggang sa pagpunta namin sa parking lot ay magkahawak ang kamay namin. Naengganyo kasi akong hawakan ang kamay niya.

Sumakay na kami sa kotse at napansin kong hindi nakakabit ang seatbelt niya kaya lumapit ako para ikabit ito. Napansin kong bigla itong napaayos ng upo, kaya tinignan ko ang mukha niya habang inaabot ko ang seatbelt. Tinignan ko siya sa mukha tapos sa mapupulang labi niya tapos sa mukha ulit. Napapangiti ako dahil sa sunod-sunod na paglunok nito, alam kong naapektuhan siya sa ginawa ko. Pagkakabit ko ng seatbelt ay ningitian ko lang siya ay dahan-dahang lumayo at umupo ng maayos sabay kabit na rin ng seatbelt ko at pinaandar ko na ang kotse. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata na nakahinga ito ng maluwag.

***

Nasa tapat na kami ng bahay niya at tinatanggal niya na ang seatbelt pero parang ayoko ko siyang pababain, na parang bang may nagtutulak sa akin na kailangan kong mahalikan ang mapupula niyang labi bago siya makababa kaya dala siguro ng kagustuhan kong mahalikan siya ay tinawag ko siya para lumingon sa gawi ko.

"Zephy"

"Ano yu-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil dinampi ko na ang labi ko sa labi niya.

Sa una ay hindi ito tumutugon sa halik ko pero di kalaunan ay tinutugon niya na ang halik ko na nagpangiti sa akin. Mga ilang minuto ay ako na rin ang lumayo at parehas kaming naghahabol ng hininga. Sandaling katahimikan ang namayani bago siya nagsalita.

"C-clyde, u-una n-na ko. S-salamat sa p-pagsama sa aki-n" nauutal na saad niya, hindi man siya makatingin sa akin ay alam kong namumula siya.

"Okay"

At binuksan niya na ang pinto ng kotse ko pero bago pa niya masirado ay may sinabi pa ko.

"Zephy, nag-enjoy ako and good night"

Nanlalaki ang mata niyang tinignan ako at bigla-bigla nalang sinarado ng malakas ang pinto ng kotse ko at tumakbo ito papasok ng bahay niya.

Natawa at napailing-iling nalang ako sa naging reaksyon niya. Siguro ay ako ang first kiss niya, dahil sa naisip ko ay mas lalo akong napangiti.

Kahit ilang araw ko siyang hinanap ay naging sulit naman ang pagkikita namin at naging instant girlfriend ko pa siya kahit na sabihin na nating fake lang ito. Nakangiti kong tinahak ang daan pauwi.


ZEPHY's POV

Mabilis akong napapasok sa bahay dahil sa sinabi ni Clyde. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at hindi ko namalayan na hawak-hawak ko na pala ang aking Labi.

Sh*t! Napasapo nalang ako sa noo ko. That was my first kiss, hindi ko alam pero ng bigla niya nalang ako hinalikan ay napatulala ako at hindi ko manlang siya itulak palayo bagkus ay tumugon pa ako sa halik niya. Ano ba tong pinasok ko?, sabi ko na hindi maganda ang ideya na pumayag sa kagustuhan niya.

Hay, napapabuntong-hininga nalang ako sa sitwasyong pinasok ko.

****

Lingid sa kaalaman ni Zephy at Clyde ay may matang nakasubaybay sa kanila at dahil hindi naman tinted ang sasakyan na gamit ni Clyde ay kitang-kita ang nangyaring paghalik nito kay Zephy.

Dahil sa kanyang nakita ay kulang nalang mayupi niya ang manubela ng kanyang sasakyan. Nagngingitngit ito sa galit dahil sa nasaksihan.

----------

A/N: Pasensya kung medyo lame yung update.

Please support my new story "DARKNESS: LIGHTS OUT". Link: https://www.wattpad.com/144729509-darkness-lights-out-prologue

comment...vote...share...

All Rights Reserved © yuesai78-2015

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Where stories live. Discover now