N.P.A. 1.5

291 96 57
                                    

*****NPA 1.5****


ZEPHY's POV



Nandito na rin ako sa first minor subject ko, at syempre dahil loner ako agad akong pumunta sa likuran at nagsalpak ng earphones. Pero dahil hobby ko nga mag-observe syempre nasilip ako sa mga kaklase ko, kung ano ang ginagawa at pinag-uusapan nila, tulad nalang nitong dalawang babae sa harap ko..


"sis, Iook at my new gadget, my dad bought it at new york" girl1


"isn't that the latest gadget sissy?" girl2


"IKR sis, you should have ask your parents too, you know its limited edition" girl1


"yeah, you're right" girl2 (ang yabang porket may new gadget) bulong niya.


"did you say something sis" girl1


"Nah sissy" girl2


Oh di ba, uso plastikan kahit na magkaibigan sila, kaya masaya talaga mag-observe ng mga tao, tulad ng nasa gilid ko..


"friend, napanood mo ba yung new teleserye sa channel ***" girl3


"ah oo" girl4


"ang ganda ng pilot episode nila noh?" girl3


"ah oo" girl4


See, oo lang ng oo ang sagot niya pero ang totoo hindi talaga siya nanood, ganda talaga ang mga tao, akala mo nakikinig pero ang totoo hindi naman o kung hindi naman ay nakikipagplastikan nalang..


"KYAAAAAAAAAAAAHHHHHHH" grabe, makasira ng eardrum ang sigawan ng mga babae sa paligid, ano bang meron..


"OMG OMG girls nandyan na sila" sino bang dumating?? Artista??


"ang gwapo talaga ni prince clyde at prince cody"


"ang ganda ni amethyst"


"akin ka nalang jetthro"


"ang cute ni asher"


Yan ang mga tiling naririnig ko habang dumadaan sa hallway yung grupo, pero malamang pagkalampas nila, kung anu-ano na ang sasabihin ng mga tao at sa tingin ko tama ako, dahil pagkalampas nila..


"akala mo naman kung ang ganda yung amethyst?"


"correct girl, sumasabit lang naman siya sa kasikatan ng mga childhood friend at kapatid niya"


"tama, mas maganda pa tayo sa kanya"


"sus, akala mo kung sinong mga gwapo, mayabang naman"


Yan naman ang maririnig mo pagkalampas nila, at napag-alaman ko na ang tawag sa grupo nila ay DICE, dahil yung mga bata pa sila ay ang DICE daw ang niregalo sa kanila ng mga magulang nila bilang laruan na hanggang ngayon ay nilalaro pa rin nila, isang ordinary student lang daw si amethyst samantalang ang mga kababata niya ay mga sikat at kinatatakutan dito sa university dahil mga gangster at ang leader nila ay si Clyde at nalaman ko din na si Jetthro pala ay anak ng may-ari ng university.



Mga bigatin pala sila, sa tingin ko mag-eenjoy ako sa bagong university ko...




comment...vote...share...


©2015 -yuesai78

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Where stories live. Discover now