N.P.A. 11

166 67 35
                                    

Not All Scars Show.

Not All Wounds Heal.

Sometimes,

You Can't Always See

The Pain Someone Feels ...

-unknown


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

**************


****NPA 11****


ZELLYKA's POV


Hay ang tanga-tanga mo zell, tuktok ko sa ulo bat ko pa kasi naisipan na kulitin si lil sis sa pagtugtog ng piano at pagkanta. Ayan tuloy naalala niya na naman ang nakaraan at umiiyak.


Naaasar ako sa sarili ko, kung hindi ko sana siya kinulit, hindi sana siya umiiyak ngayon. Pagkatapos niyang tumugtog ay nilapitan ko na siya para yakapin. Kahit sa yakap manlang ay macomfort ko siya.


Naalala ko tuloy yung bata kami palakaibigan si zephy kung tutuusin lahat ng kaklase niya yung kinder ay kaibigan niya. Nagbago lang ang lahat ng magsimula na kaming lumipat lipat ng lugar at eskwelahan.


-flashback-

"Ate ayoko na magkaroon ng mga friends"-zephy


"Bat naman lil sis?"


"Kasi naman ate hindi din naman tayo nagsstay sa isang lugar, kaya bat pa ako makikipagkaibigan sa kanila eh aalis din naman tayo"


-end of flashback-


Simula nun hindi na talaga siya nakipagkaibigan at naging isang loner. Kaya ng maghighschool ako ay sinasama ko siya sa salon na pinagtratrabahuan ko, kaya nagkaroon siya nga mga bagong kakilala at duon ko nalaman na magaling mag-observe ang kapatid ko. Grade school palang siya ay nawili na rin siya sa mga ginagawa sa salon. Pinapanood niya ang ginagawa namin at minsan naman ay nakikipagkwentuhan siya sa mga customer. Tuwang-tuwa sila sa kapatid ko dahil sa simpleng kwentuhan ay parang natutulungan niya ang mga ito.


Hindi naman siya totally loner sa school dahil nagkaroon siya ng isang kaibigan ng grade 3. Lage silang magkasama, hilig nilang dalawa na magplay ng piano at kumanta. Yun ang bonding moment nilang dalawa.


Wala naman sanang problem pero bigla nalang siyang binalaan nila mama na umiwas na mapalapit sa mga kaklase niya dahil baka madamay sila kapag napalapit sa amin dahil nga sa uri ng trabaho nila mama at papa. Ngunit matigas ang ulo ni zephy ng panahon na yun, dahil sa ilang taon na loner siya sa school ay may kusang lumapit at kinausap siya.


Kung nakinig lang sana si lil sis sa babala nila mama ay hindi mangyayari ang kinakatakutan nila na may madamay na inosente.

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora