N.P.A.10

190 75 40
                                    

"One day you'll meet someone who doesn't care about your past because they want to be with in your future"- unknown



This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---------------


******NPA 10******


ZEPHY's POV


Paglabas ko ng restroom ay napansin kong may tao sa bungad, pero di ko inaasahan ang taong yun.


"Congrats Ririn, di pa rin kumukupas ang galing mo sa pagmomotor'

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi.


"Anong ginagawa mo dito? hindi ko alam ang sinasabi mo"


"Ririn naman, alam kong ikaw ang nagmamaneho yung 2014 kawasaki KX450F. At andito ako dahil foundation day ng university niyo" naka ngising saad nito.


"Oh come on Rael or should I call you Venom? Maglolokohan pa ba tayo? Bat ka andito?" At nawala ang ngisi niya, napalitan ng seryosong mukha. Bago siya nagsalita ay napabuntong-hininga ito.


"Okay, I surrender. The truth is Ririn, andito ako para warningan kayo."


"Warningan? Saan Rael?"


"Ririn, pinaghahanap pa rin nila kayo ng pamilya mo, dahil sa pagkamatay ng anak nila"


"Alam mong hindi kami ang may kasalanan sa pagkamatay niya, kusa itong nagpakamatay bago pa makalapit sila papa."


"Maaring yun nga ang totoo Ririn pero iba ang pagkaintindi nila, dahil nadatnan nila kayo duon"


Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong darating ang panahon na mauungkat ang nakaraan.


"Wag kang mag-alala Rael, alam namin ang gagawin pagnagkataon"


"At isa pa pala Ririn, sa tingin ko alam mong observer ka lang. Don't get involved with other people. Kung ayaw mong madamay sila"


Napabuntong-hininga nalang ako. Alam ko na may mali, dahil ang isang observer ay dapat loner. Hindi ko lang talaga matiis na hindi lumapit pag may nakikita akong tao may problema, nadadala ko ang ugali ko sa pagiging hairdresser dito sa university. Ang masama pa naiinvolved ako sa DICE na hindi pwede. Kailangan ko ng umiwas.


"Yeah, I know. You better go Rael, baka may makakita pa sa atin"


"Okay, just be safe Ririn"


At tuluyan ng umalis si Rael.

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Where stories live. Discover now