N.P.A. 5

264 90 59
                                    

"You can't start the next chapter of your life, if you keep re-reading the last one. "- unknown


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persond, living or dead, or actual events is purely coincidental.

—————-

******NPA 5*******


ZEPHY's POV


Panibagong araw na naman sa eskwela at tapos na din ang pang umagang klase ko, andito ako sa old music room dahil ayoko nang tumambay sa puno malapit sa GYM at baka makita ko na naman si clyde at may milagro o kababalaghan pa akong makita mahirap na.


Nakahiga ako sa isang lumang upuan upang umidlip ng kaunti habang hinihintay ang panghapong klase ko ng makarinig ako ng tunog ng pinto na bumubukas..

Creakkk..Unti-unti tunog habang bumubukas ang pinto sa kwarto.


Hindi ko iyon pinansin at tinuloy ang pag-idlip ko kahit na may mga yabag akong naririnig. Hinayaan ko nalang dahil hindi naman ako naniniwala sa mga multo at ang sabi nga nila "mas matakot ka sa buhay kesa sa patay o multo" tama nga naman kasi sa buhay masasaktan ka nila ngunit sa multo tatakutin ka lang ngunit di ka masasaktan.

Napagising ako sa aking pag-idlip ng marinig ang tunog ng piano. Ang ganda ng musikang nililikha niya at parang hinehele ako kahit na parang ang lungkot ng hinihiwatig nito.

(A/N: play YIRUMA-LOVE ME o click niyo nalang yung external link para sa video)

At dahil sa ganda nito ay hindi ko manlang nagawang silipin ang taong nagpiapiano dahil nilamon na ako ng antok, at nagising nalamang ng maalimpungatan ako. Pero sa kasawiang palad ay 3pm na, ang pag-idlip ko ay nauwi sa tulog kaya absent ako sa klase ko.

Malapit na ako sa gate ng eskwelahan upang makauwi ng makasalubong ko ang di kaaya-ayang nilalang na ang pangalan ay clyde..

"Akala ko loner ka lang pero absentee ka rin pala" saad niya pero di ko siya pinansin at malapit ko na siya lampasan ng hinablot niya ang aking braso at pinaharap sa kanya.

"Alam mo ba na wala pang bumabastos sa akin kapag kinakausap ko? Ang lakas naman ng loob mong dedmahin ako"-clyde

Binawi ko ang aking braso at tinignan siya ng masama..

"Sa totoo lang hindi ko alam na wala pang bumabastos sayo, ngayon lang dahil sinabi mo at malamang yung bastos na sinasabi mo ay ako at FYI I don't talk to stranger" sagot ko sa kanya

"Anong stranger ang pinagsasasabi mo? Magclassmate tayo sa ibang subject at nakarating kana sa bahay ko!! So tell me how can you call me as stranger" kunot na kunot ang noo at sumisigaw habang sinasabi ang mga yun.


"Kailangan talagang sumisigaw? Ang lapit lang natin oh" turo ko sa kanya habang tinatansya ang distansya namin "at oo stranger ka!!! Kasi hindi kita kilala personally at hindi rin tayo friends at FYI ulit ang papunta ko sa bahay niyo ay para gawin yung project natin yun lang yun" hingal na hingal ako dahil sa dirediretsyong sigaw ko sa kanya..hayz kahit kailangan panira talaga tong lalakeng toh.

"So why are you shouting too?" Taas kilay niyang saad

"Syempre ang lagay eh ikaw lang pwedeng sumigaw? Hindi ata patas yun kaya bawi bawi din pag may time" at nilayasan ko na siya habang tulala pa siya. Panira ng araw. Kainis...

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon