N.P.A.16

139 56 21
                                    

A/N: This chapter is dedicated to Braindropz, dahil sa pagsupport sa story ko. Thank you so much :)

"Sometimes I pretend to be NORMAL, but it gets boring. So I go back to being me"-unknown

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

************

(UNEDITED)

***N.P.A.16***

ZEPHY's POV

Pagkaraan ng isang buwan ay heto na naman ako sa bagong eskwelahan ko at bagong lugar dahil ngayon ay nagtransfer naman kami sa Bulacan. Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa HC University?, well hindi na muli nagbalik si Cane sa University at naging maayos naman na lahat kaya nakalipat din ako ng walang problema dahil kahit papano ay natulungan ko sila.

Ibang klase talaga sila mama at papa dahil kahit alanganin na ang paglipat-lipat ko ng eskwelahan ay nagagawan pa rin nila ng paraan. Ganyan siguro basta may kapit at pera, nagagawa nilang possible ang impossible. Kaya ngayon ay andito ako mag-isa sa likod ng Engineering bldg. para maglunch dahil nga loner ako.

Kakagat na sana ako sa tuna sandwich na binili ko ng bigla nalang may mga tao sa harapan ko, ng tignan ko sila ay limang tao; 3 babae at 2 lalake. Pumwesto sa likuran ko ang dalawang lalake sabay hawak sa mga braso ko at bigla nalang ako kinaladkad at pinasok sa isang silid. Hindi na ako pumiglas pa sa pagkaladkad nila sa akin dahil namumukhaan ko ang ilang sa kanila at kung hindi ako nagkakamali ay member sila ng Mystery club dito sa Crest University. Nang pinaupo at bitiwan nila ako ay ipinagpatuloy ko lang ang naudlot na pagkagat ko sa tuna sandwich at nagmamasid lang sa limang tao sa harap ko ng biglang magsalita ang isang babae sa kanila.

"Hoy Charlene at Charles, siguro ba kayo na siya yung transferee?" sabay tuto sa akin ng babae

"Yes Ms. President!, classmate namin siya sa ibang subject kaya 100% sure na siya yung transferee" sagot ng kambal na kaklase ko nga sa ibang subject.

"Good, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin

"Bat ko sasabihin sayo? Hindi bat ang rude mo naman kung sasabihin ko yung pangalan ko pero ikaw hindi pa nagpapakilala" saad ko sa kanya.

Parang natakot ata sila sa pagsagot ko at parang nanlamig ang paligid ng silid. Nakakatakot ba ako sa paningin nila? sinagot ko lang naman siya dahil dapat siya muna magpakilala bago ako, tanong sa isip ko. Nakarinig nalang ako na parang tumikhim at pagtingin ko ay yung Ms. President pala.

"A-ah o-okay sorry, first of all my name is Kressel Monce and I'm the Mystery Club President and this is Aldwin Jerra our vice-president, Charlene and Charles Jayme our treasurer and secretary and lastly Veena Vera our PR" pakilala niya sa kanilang lahat.

"Ahhh ookay? Zephyrine Viel is my name but call me Zephy" saad ko na dinuktungan ko pa "At bat kinaladkad niyo ako at anong kailangan niyo sa akin?" taas-kilay kong usisa sa kanila.

Napansin ko pa na napalunok ang Ms. President nila at parang hirap na sagutin ako, at dahil ilang minuto na at wala paring nagsasalita sa kanila ay tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto at bubuksan ko na ito ng biglang may humawak sa isang binti ko na ikinagulat ko kaya agad akong napatingin sa kamay o tao na may hawak nito at yun ay walang iba kundi ang President nila na nakaluhod pa kaparehas ng iba.

"Waaaah Ms. Zephy pleeeaaaaaassssseeeeeeee heeeellllpppp ussss" ngawa niya sa akin, kaya nalito ako sa inasal niya.

"Huh? wait nga lang, una pakibitaw ng kamay sa binti ko, pangalawa tumayo nga kayo dyan at pangatlo anong klaseng tulong ba ang kailangan niyo sa akin?"

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon