N.P.A. 12

190 69 31
                                    

When I Realized I Found That..

I Have Lost My Precious Time To Get Something...

Which Was Neither Mine...

Nor Matters To My Life.

-unknown


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****


****N.P.A. 12****


ZEPHY's POV


Dalawang araw na rin ng matapos ang Foundation Day sa Eladrin University. Araw ng Sabado at napag-isipan kong dalawin siya. Ilang taon na rin ng huli akong dumalaw sa kanya. Malayo-layo ang lugar pero sa tingin ko, kailangan ko ng magpaalam sa kanya at ng makapagmove-on na rin ako sa nakaraan kung saan siya ang kasama ko.


Sakay ng aking Yamaha YZF R1 ay tinatahak ko ang daan papuntang Quezon Province. Mga ilang oras din ay narating ko na ang lugar, ipinark ko muna ang aking motor at lumapit sa tindera ng mga bulaklak at bumili ng isang bouquet.


Tumingala ako at nabasa ang Fallen Cemetery sa bungad, lumakad ako patungo sa himlayan niya. Malinis ang paligid niya, nagsuot ako ng itim na cap upang matakpan ang aking mukha at naupo sa damuhan. Binasa ang pangalang "Ardee Sujung" sa lapida.


"Kamusta na Ardee? Pasensya kana kung ngayon lang ako ulit napunta dito, alam mo naman na palipat-lipat kami. Minsan nga pagnagtatanong sila kung saan ako nakatira ang sinasagot ko nalang N.P.A." at medyo na pangiti ako tuwing naaalala ko ang mga itsura ng mga nagtatanong sa akin.


"Nakakatawa nga mga itsura nila pag nababanggit ko ang N.P.A., iniisip nila na bantido ako pero ang totoong meaning nun ay No Permanent Address. Dahil palipat-lipat nga kami" at napapabuntong-hininga nalang ako.


"Siguro sawang-sawa ka ng marinig ang paghingi ko ng tawad, pero hindi ako magsasawa na sabihin yun sayo. Sorry Ardee, kung nakinig lang sana ako kina mama at papa, hindi ka sana namatay. Ako sana ang namatay pero dahil sa biglang pagyakap mo sa akin ay ikaw ang nabaril."


"Sobrang nashock ako sa nangyari at hindi agad natanggap ang pagkawala mo. Ikaw ang prumotekta sa akin na dapat ay ako ang gumawa, lage mong sinasabi na proprotektahan mo ako dahil sa ating dalawa ikaw ang lalake at yun ang gawain ng mga lalake ang protektahan ang mga babae" at nagsimula ng mamasa ang aking mga mata.


"Nag-awa m-mo nga a-kong protektahan at n-nagpapasalamat ako sayo" tuluyan ng bumuhos ang luha ko "U-utang ko a-ang b-buhay ko sayo at t-tulad ng g-gusto mo ay tutulong ako sa mga t-taong may problema."


Pinahidan ko ang mga luha gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti sa puntod niya.


"Sa tingin ko gusto mo rin na magmove-on na ako sa past. Namimiss ko ang bonding natin tuwing tutugtog tayo ng piano at kumakanta. Sobrang namimiss na kita pero kahit na anong miss ko sayo, alam kong hindi ka na babalik pa. Nawala ka man sa akin physically, hindi ka naman mawawala sa puso ko. Lage ka lang andito sa aking puso at alam kong binabantayan mo ako sa lahat ng gagawin ko" pinipigilan kong umiiyak ulit at nakangiti lang sa puntod niya.

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Where stories live. Discover now