N.P.A. 13

191 70 40
                                    

"Doing what you like is FREEDOM, liking what you do is HAPPINESS"

-unknown


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****


***N.P.A.13***


ZEPHY's POV


Araw ng Linggo at niyaya ako ni Gelo na magpuntang Mall para tulungan siya sa isang event daw na kasali siya, tutal wala naman akong ginagawa kaya pumayag na ako at heto ako ngayon sa labas ng isang Coffee shop umiinom ng Green tea frappe habang inaantay siya. [Si Gelo ay isa sa mga katrabaho ko sa La Verceliz Salon at isa siyang beki].


Habang nag-aantay ay hindi ko maiwasan na observahan ang mga taong lumalakad sa harapan ko. Sa sobrang tutok ko ay nagulat nalang ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.


"Ayy BAKLA!!!" sigaw ko sa pagkagulat


"WHAT!!! Did you just said?" galit ng taong tumapik sa akin. Kahit hindi ko pa lingunin ay alam ko na kung sinong kumag ito dahil sobrang familiar ng boses at pagharap ko ay hindi nga talaga ako nagkakamali.


"Ohh, Clyde ikaw pala!" saad ko


"Yes, it's me but what did you just said a while ago that I'm gay?" matalim ang mga tingin niya sa akin.


"Ahh hehe, may sinabi ba ako? parang wala naman" sagot ko at pilit na ngiti, pero hindi pa rin nagbabago at mas naging matalim pa na parang pinapatay na ako sa titig niya. Buti nalang at pagtingin ko sa gilid ko ay may natanaw ako na baklang naglalakad.


"Ito naman hindi kaya ikaw yung sinasabihan ko, ayun oh yung sinasabi kong bakla" sabay turo ko sa gawi ng baklang nakita ko. Tumingin naman ito sa bakla at unti-unting naging maamo ang itsura niya.


"Okay, if you say so" sabi niya at nagkibit-balikat nalang. Hooh buti nalang at madaling mauto ito o baka naman bipolar lang talaga.


"But what are you doing here?" tanong niya sa akin na nagpataas ng kilay ko. Abnormal ba ito? Ano bang ginagawa pag nasa Coffee shop? Obvious naman na umiinom ako ng frappe.


"Oh! You know hunting elephants" saad ko and just rolled my eyes.


"YOU WHAT? But there's no elephant here" sagot niya at ako naman ang naiinis sa kanya kasi parang tanga lang.


"Alam mo para kang tanga, obvious naman na ang ginagawa ko ay umiinom ng frappe" saad ko sa kanya.


"Hey! I'm n-" naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw ng pangalan niya sa bandang likod ni Clyde at napalingon ito sa likod. Kaya tumingin na rin ako, tsismosa lang ang peg ko at nakita ang DICE kasama si Amethyst na palapit sa amin.

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon