N.P.A. 15

142 56 15
                                    

[A/N: dedicated kay sis erika_feyne23 ang chappy na ito dahil sa patuloy na pagbasa at pagcomment sa story ko. Thanks sissy :) ]

"Welcome to the KARMA CAFE. There's no menus, you will get served what you deserve."-lifequotesru.net

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*************

(Unedited, may mga errors..)

***N.P.A.15***

ZEPHY's POV

Pagkapasok ko palang sa HC University ay mahihimigan mo na ang sari't saring bulung-bulungan ng mga estudyante.

"Gosh narinig niyo na ba na si Stella at Cane na daw?"

"Ikr girl, nakita nga namin sila kahapon sa Mall na magkasama"

"Pero ang biggest issue ay ng agkbvefghg"

Di ko na masyado narinig ang sasabihin yung isa dahil nakalayo na ako at papasok na sa room, pero pagpasok ko ay ganun din ang pinag-uusapan nila at parang na-oop na ako kaya nilapitan ko ang isang classmate ko at nagtanong.

"Khian, pwedeng magtanong?" saad ko sa isang aloof na classmate namin. Aloof siya dahil hindi talaga nakikisalamuha sa iba parang ako lang pero kung tititigan mo siya ay gwapo siya, matangos ang ilong, makinis ang mukha, maputi. Itiningala niya ang kanyang ulo upang makita ako at tumango lang kaya nagtanong na ako.

"Ano ba yung issue na sinasabi nila maliban sa magkarelasyon na sina Stella at Cane?"

Ipinilig niya pakaliwa ang kanyang ulo at parang sinasabi sa akin na are-you-serious-di mo-alam-look pero sinagot niya rin naman ako.

"Nakick-out si Sir Thales dahil nalaman nila na hinahack daw niya ang system ng University at ang sabi-sabi si Stella at Cane daw ang nakahuli sa kanya"-Khian

"Ahh, sige salamat" at tumalikod na ako para bumalik sa pwesto ko.

Yun na siguro ang ganti ni Stella sa panloloko sa kanya ni Sir Thales, hanep lang talaga si Stella upang makaganti ay ginamit niya pa si Cane pero sabi nga nila "Don't play with fire" at baka dahil sa ginagawa ni Stella ay siya naman ang makarma.

****

Kinabukasan, naglalakad ako patungong University Garden ng may mabunggo ako at nagulat ako ng makita itong napaupo sa sahig at dumaing habang hawak-hawak ang braso.

"ARAAAAAYYY" daing niya at pag-angat ng kanyang ulo ay si Stella ang nakita ko. Tinignan niya ako ng masama at tinaasan ng kilay.

"Ano tititigan mo nalang ba ako at hindi tutulungan? Ikaw na nga tong bumunggo sa akin." saad niya. Tinulungan ko naman siyang itayo.

Nagpagpag siya ng sarili at tinalikuran nalang ako basta-basta, Ang bastos din talaga ng babaeng to' kaya hinablot ko ang braso niya dahil habang naglalakad siya ay kapansin-pansin na nakahawak siya sa braso niya at ng mahawakan ko nga ay napadaing ito ulit at sinamaan ako ng tingin. Hinayaan ko lang siya at pinaharap sa akin, tinanggal ko ang jacket niya ng sapilitan at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga pasa sa braso niya.

"Anong nangyari diyan huh?" usisa ko sa kanya

"W-wala i-ito" saad niya ng hindi tumitingin sa akin pero hindi ako naniniwala sa kanya.

"Umamin ka nga Stella, si Cane ang may gawa niyan noh?"

"H-hindi n-nahulog lang a-ko sa hagdan kaya ganito"-stella

The Stylish Assassin [formerly known as N.P.A.: Observer] (UNEDITED)Where stories live. Discover now