Chapter Twenty

47K 907 11
                                    

Marahil ay alam ni James na naaalibadbaran si Francine tuwing sisipol-sipol ito at ngingiti-ngiti nang nakakaloko. Kaya nang pumasok sa kusina ang loko niyang asawa ng umagang iyon na pasipol-sipol pa na akala mo'y wala itong kasalanang nagawa, mas lalo pang uminit ang ulo ni Francine.

"O, ba't salubong na naman 'yang mga kilay mo?" nakakalokong tanong ng asawa niya.

Nagtanong ka pa? "None of your business!"

"Okay," sagot nito. Kumunot naman ang noo nito na para bang may malalim na iniisip. "Francine," umpisa nito, "may nangyari ba kagabi?"

"Wala! Walang nangyari kagabi!" sagot niya sabay irap sa lalaki.

"Kaya pala mainit ang ulo mo kasi walang nangyari kagabi," tatawa-tawa pa nitong sabi sa kanya bago ito lumabas ng kusina.

Napanganga naman siya sa sinabi ng asawa. At talagang iyon pa ang iniisip nitong dahilan kung bakit naaalibadbaran siya rito? Manigas siya!

Sinikap na lamang ni Francine na pakalmahin ang sarili at kalimutan ang kunsumisyon niya sa asawa. Kung gusto nitong magpakasasa sa ibang babae, sige. Gawin nito kung ano ang nais at nang tuluyan nang masunog ang kaluluwa nito sa impyerno.

Bumuntong-hininga si Francine. Pero sa totoo, masakit ang isiping may ibang babae si James. Kahit pa nagpapanggap lamang sila, kahit pa sabihing isang palabas lamang ang lahat. May kirot paring idinudulot ang isiping kahit kailan ay hindi magiging kanya ang puso ni James.

Ang sabi ni Granny ay turuan daw niyang magmahal muli si James. Ngunit papaano? Ano ang gagawin niya? Hindi talaga siya siguro ang babaeng nakatadhanang bumukas sa saradong puso ni James.

Pumanhik siya sa itaas at pumasok sa kuwarto. Doon ay nakita niyang nakahiga si James sa kama at nanonood ng telebisyon.

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya rito.

"Nope," baling nito sa kanya.

Umupo naman siya sa tabi nito. "Kumain ka na ba ng agahan?"

Itinapat nito ang remote control sa telebisyon habang sumagot ng "not yet."

Inatake na naman ba ng topak ang lalaking ito? Kani-kanina lamang sa may kusina mapagbiro pa ito sa kanya kahit hindi nakakatawa ang biro nito. Ngayon naman tipid ito kung sumagot. Totoo nga talagang may sayad sa utak ang napangasawa niya! "Gusto mo bang magpa-appointment ako sa duktor para sa 'yo?"

"Para saan?"

"Para sa utak mo kasi maluwag na naman ang turnilyo."

Imbes na gantihan siya ng asawa, patuloy pa rin ito sa panonood ng Animal Planet sa telebisyon. Ano ba ang mayroon sa mga unggoy na naglalambitin sa puno na mas gusto nitong pansinin kaysa sa asawa nito?

Lumapit pa si Francine nang husto sa asawa. "Ano'ng gusto mong tanghalian? Magluluto ako."

"Kahit ano lang."

Kaunti na lang talaga at lalabas na ang usok sa ilong ni Francine. Bakit ba ayaw siya nitong pansinin? "Buong araw ka na lang ba manonood ng Animal Planet at pagpantasyahan 'yang mga unggoy na 'yan?"

Nagbuga pa ng hangin ang lalaki bago siya nito hinarap. "Francine, kung ang gusto mo lang naman ay magpahalik sa akin, deretsahan mo nang sabihin sa akin at pagbibigyan naman kita."

"Hoy magaling na lalaki! Nakikita mo 'yang unggoy na 'yan sa telebisyon, ha?" mariin niyang saad habang nakaturo sa telebisyon. "Magpapahalik pa ako sa sampung unggoy kaysa sa 'yo, 'no!"

"Asus! Kagabi nga bitin na bitin ka no'ng hindi kita hinalikan, eh."

Gigil na gigil namang idinampot ni Francine ang unan sa tabi niya at pinagpapalo iyon sa ulo at braso ni James. "Walang hiya ka! Gising ka pa pala kagabi? At ano 'yon, nagpapanggap ka lang na lasing?"

"Ano ba! Tigilan mo na nga 'yan at nanonood pa ako ng palabas!"

Ngunit hindi nagpapigil si Francine sa kanyang pag-aatake sa manloloko niyang asawa. "Bagay lang ito sa 'yo! Hinantay kitang dumating kagabi! Ano 'yon, nambabae ka na naman? Hindi ka na natuto!"

Sige naman sa pag-iwas si James na matamaan ng sandata ni Francine. "Kapag hindi ka tumigil hahalikan na talaga kita!"

"Aba! Sa tingin mo ay natatakot ako sa mga banta mo! Magpakatino ka nga! Babaero! Lasenggo ka at—ahh!"

Napatili si Francine nang iginapos ni James ang mga kamay niya at mariin siyang itinulak pahiga sa kama, saka naman ito pumaibabaw sa kanya. "Sabi ko na nga ba—gusto mo talagang magpahalik sa akin."

"Subukan mo 'kong halikan! Kakagatin ko 'yang mga labi mo!"

"Kakagatin?" nakangising tanong nito. "Gusto ko 'yan."

Hindi na nakapagsalita si Francine dahil sinunggaban siya ni James ng mga halik. Napamulagat si Francine nang naramdaman niyang pilit na ipinapasok ni James ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Pilit siyang pumiglas mula sa pagkakayapos ni James sa kanya, bago pa siya tuluyang bumigay at magsisisi na naman sa bandang huli.

Bahagya namang inilayo ni James ang mukha nito sa kanya. "Please kiss me back, sweetheart." Muli siya nitong hinalikan, ngunit ngayon ay nag-iba naman ito ng paraan ng paghalik sa kanya. Banayad naman ngayon, at paminsan ay padampi-dampi lamang ang mga halik nito. Ganitong-ganito ang mga halik ni James sa kanya noong una silang magkita, pati na ring noong magkasama sila bago sila nahuli ng fiancée nito.

Ganitong-ganito ang mga halik ni James na nagpatuliro sa utak niya, ang pumukaw sa buong diwa niya. Ang mga halik na nagpalambot sa matigas niyang puso. Ang mga halik na nagpapaalala sa kanya sa totoong nararamdaman niya para sa lalaki.

"Why do you keep on resisting me," bulong nito sa kanya sa paos na boses.

"Dahil ayoko ng masaktan muli, James. Ayoko ng magpaloko pa."

"I won't hurt you this time," kumbinsi nito sa kanya.

"Pero ang sabi mo papahirapan mo ko't paparusahan para magtanda na ako at—"

Naputol ang pagsasalita niya nang tinakpan ni James ang bibig niya gamit ang dalawang daliri nito. "Sweetheart, I lied. I want you bad, Francine. Say you want me, too."

Sa pandinig ni Francine ay para bang nagmamakaawa pa ang lalaki sa kanya na sumagot siya ng oo. Bakit ganoon? Bakit pabagobago ng disposisyon at katayuan si James patungkol sa relasyong nilang iyon? Hindi ba pagpapanggap lamang ang lahat? Na palabas lamang nila ang kanilang ginagawa? Pero bakit parang iba naman ang nararamdaman niya? Bakit iba naman ang ipinapakita at ikinikilos ng lalaking kasama niya?

"James, kung itutuloy natin ito, pareho nating pagsisisihan ang lahat sa bandang huli," paliwanag niya.

"I promise—wala kang pagsisisihan ngayon," anito.

Hindi na nakasagot pa si Francine dahil muli siya nitong hinalikan. Humalinghing na lamang siya at saka ipinulupot ang mga braso sa leeg ni James at sinimulang tugunin ang mga halik nito.

***

#ThePastMistake

The PAST MISTAKEWhere stories live. Discover now