Chapter Five

55.2K 1.2K 25
                                    

"'Musta ang trabaho mo, Francine? May napapala ka ba sa mga pinaggagawa mo?"

Nilapag ni Francine ang kutsarita sa saucer at tumingin sa kaibigang si Cass. Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya nito na sabihin ang kanyang sikreto kung bakit siya nagtatrabaho bilang sekretarya, ngunit hanggang ngayon ay mailap pa rin siya sa pagsagot.

"Cass, alam mo bang si Abby hindi ako kinukulit patungkol diyan?" sabi pa ni Francine.

"Eh, ibahin mo ako," sagot naman ni Cass. "Makulit ako by nature."

Sinubukan na lamang ni Francine na ibahin ang usapan. "Ano'ng oras ba darating si Abby? Akala ko ba kahapon pa sila dumating mula Panggasinan?" Mahigit isang oras na silang nasa coffee shop at hinihintay ang kanilang kaibigan mula sa bakasyon nito sa Pangasinan. Sa wakas ay nagkaayos din ang mag-asawang Abigail at Lawrence, at masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil natupad na ang matagal nitong hiling na mamahalin din ito ni Lawrence.

"Hayaan mo na siyang ma-late. Baka gumagawa pa sila ng baby ni Lawrence," pilyang mungkahi ni Cass.

"Kahit kailan talaga Cassandra, 'yang bibig mo... naku!"

Sabay pa napalingon ang dalawa at nasa likod na pala nila ang kanina pa nilang hinihintay na si Abby.

"At isa pa, hindi na namin kailangan gumawa ng baby," dagdag pa ni Abby. "Positive na."

"Oh my gosh!" ang reaksyon ni Cass. "Ganoon katindi ang sperm cell ni Lawrence? Agad-agad nadali ka girl!"

Namula ang mga pisngi ni Abby. "Grabe ka naman, Cass."

"Pero Abby, happy kami para sa 'yo," sabi ni Francine sa kaibigan. "Atleast nagbunga ang pagtitiis mo kay Lawrence."

Napangiti si Abby sa kanya. "Salamat, bes. Pero sana secret muna natin ito, ha. Gusto kong i-surprise si Lawrence."

"Kailan mo naman balak ibalita kay Lawrence?" tanong naman ni Cass.

"Sa kasal namin. Next month," sagot ni Abby. "Nakalimutan n'yo na ba na next month na 'yon? Magtatampo talaga ako sa inyo kapag hindi kayo pumunta."

"Oo nga pala. Ikakasal pala kayo sa simbahan," tugon ni Cass. "Kayo ha, inuna n'yo pa ang paggawa ng baby bago ang kasal."

 "Loka-loka ka talaga! Kasal na kami, 'no. Civil nga lang. At isa pa, gusto lang talaga namin ni Law na magka-baby na," sagot ni Abby.

Natawa naman si Cass. "Kaya ba inaaraw-araw n'yo ang pag-wrestling sa kama matapos n'yong magkaayos nitong nakaraang tatlong buwan? Fighter pala itong si Lawrence, eh. Magaling ba, ha?"

"Minsan talaga, kailangan ng i-censor ang bibig nitong si Cassabdra," sabat naman ni Francine. "Baka ma-MTRCB tayo niyan sa mga pinagsasabi mo."

"Walang masama sa mga sinabi ko," depensa ni Cass. "Sadyang green minded lang talaga kayong dalawa. Pero Francine, ha, akala mo nakaligtas ka na sa akin, ano? Sumagot ka."

Bumuntong-hininga na lamang si Francine. Alam kasi niya na hindi niya kayang itago ang kanyang lihim sa mga kaibigan nang matagal. Darating at darating din ang panahon na sasabihin din niya ito sa kanila. Tumingin muna siya kay Abby bago nagsimulang magkuwento.

Isinalaysay niya ang mga nangyari limang taon na ang nakaraan, ngunit inilihim muna niya ang totoong dahilan kung bakit siya nagtatrabaho bilang sekretarya ni James. Ang sinabi na lamang niya ay kailangan niya ng trabaho noong mga panahong natanggal siya sa Royal Hotel, at tamang tama naman na may tumulong sa kanyang makahanap ng panibagong trabaho. At ang dahilan ng kanyang pagbabalat-kayo ay upang hindi siya mamukhaan ni James. Nang natapos na ang kanyang kuwento, magkaibang reaksyon ang nakita niya sa kanyang mga kaibigan –si Abby ay may bahid ng pag-intindi sa mukha nito, habang si Cass naman pinipigilan ang sarili sa pagngisi.

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon