Chapter Twelve

47.8K 1K 28
                                    

"Ililibre mo ako ng lunch pero dito mo'ko dinala sa bahay mo?" nagtatakang tanong ni Francine kay James. Ang sabi sa kanya ng binata bago sila umalis ng ospital ay manananghalian sila. Pero bakit dito siya nito dinala sa tinutuluyan nito? Baka naman siya ang gagawing pananghalian nitong manyakis niyang boss?

Pinatay ni James ang makina ng sasakyan. "I figured we could just have something delivered at my place. Besides, nakalimutan kong day-off pala ng housekeeper ko kaya walang magpapakain kay Ramen."

"May katulong ka sa bahay?" Sa ilang beses na punta ni Francine sa penthouse ni James ay ni isang beses ay hindi pa niya nakikita ang katulong nito.

"Part time lang ang trabaho niya sa akin. Actually, she works at my dad's house. She comes at my place everyday to clean it up then bumabalik din siya agad sa bahay ng tatay ko kapag tapos na siya."

Ayaw pumayag ni Francine sa umpisa. Pero nang nakita niyang sinsero naman ito sa pag-imbita sa kanya, at dahil na rin sa nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya, madali siyang nakumbinsi nito. May dapat pa ba siyang ikabahala kung alam naman niyang sa ganoong ayos niya ngayon ay hinding hindi siya pagnanasahan ng lalaking katabi niya ngayon? Sa pulang labi pa nga lang niya ay mukhang diring-diri na ang lalaki.

Wala siyang dapat ikatakot. Ngunit ang totoong ikinatatakot niya ay hindi kung ano ang maaaring gawin ni James sa kanya, kundi ang panibago niyang nararamdaman para sa binata. Nitong mga nakaraang linggong, simula nang tumigil ang aso't pusa na pagtratato nils sa isa't isa, nakilala niya nang lubusan ang binata. Granted na inborn na talaga ang pagiging womanizer at charmer nito, pero kahit masakit man aminin para sa kanya sa umpisa, masasabi niyang isang mabuting tao si James. Mabait ito sa mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim niya. Sa katunayang, noong isang araw lang ay nagpabili ito ng cake sa kanya at ibigay raw niya sa matandang security guard na naka-puwesto sa basement parking.

"Para saan ito, sir?" kuryosong naitanong niya.

"Birthday ni manong Henry ngayon. Alam mo ba, nasa kolehiyo palang ako, dito na nagtatrabaho si manong Henry? Mabait 'yon -lagi akong binabati no'n kapag nakikita ako," ang sagot naman sa kanya ni James.

Hindi lang iyon, marunong din itong makisama sa mga empleyado niya. Tuwing sahod ay madalas sila mag-pizza sa staff lounge. Siyempre pa kasama ang boss nilang si James, at madalas ito ang taya kahit pa nag-ambag ambag silang lahat para sa pagkaing in-oder nila.

Ang totoo, hindi ito demanding na boss sa iba. Sa kanya lang. Marahil ay ginawa nitong mistulang impyerno ang buhay niya dahil gusto nitong mapaalis si Francine sa trabaho. Paano ba namang hindi, noong unang pagkikita nila ay tinarayan na niya agad ang kanyang boss. At siguro na rin ay dahil inaakala nitong isa siyang ispiya ng tatay nito.

At kahit pa madalas silang magpalitan ng mga maaanghang na salita, hindi niya maikakailang unti-unti nang nagbabago ang tingin niya sa binata. Kaya simula no'n ay nagdadalawang isip na siya sa kanyang ginagawang pagsisiwalat kay Mr. Villanueva patungkol sa mga kilos at plano ni James. Kaya ba niyang sirain ang buhay ng isang taong tulad ni James?

Mas lalo pang tumindi ang hiyaw ng kanyang konsensya nang nagsimulang magkuwento si James tungkol kay Margaret.

"Panahon na para wakasan at talikuran ang buhay ng pagiging isang babaero," bigla nitong nasabi nang kumakain na sila sa loob ng bahay ng lalaki.

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You know that what Margaret and I had was arranged by our families, right? It wasn't as if I sought her out to be my wife -my father hand-picked her for me."

Napahagikgik si Francine. "Ang alam ko sa mga telenovela lang 'yang mga arranged marriage na 'yan, at kadalasan ay ang babae ang pinipilit ng mga magulang na mapakasal sa napili nila para sa anak."

The PAST MISTAKEWhere stories live. Discover now