Chapter Four

54.8K 1.1K 18
                                    

Five years later

"Monique! Where the fuck is Monique!"

Heto na naman tayo. Tuwing umaga na lang, pagkadating ng boss niyang may sampung sungay sa ulo, lagi na lamang nitong isinisigaw ang pangalan niya. May karugtong pang mura.

Diyos ko, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ako magtitiis dito!

"Girl, hinahanap ka ng boss mo," sabi sa kanya ng kasamahan niyang babae sa opisina.

"Kapag hinanap ako sa 'yo sabihin mo nasa CR ako at tumatae pa," sagot niya. Humagikgik lang ang kasamahan niya at lumabas ng staff lounge.

Ipinagpatuloy na lamang ni Francine ang pagtitimpla ng kape niya nang muli niyang narinig ang boses ng kanyang boss na si James Madrigal. "Where is she?"

"Sir, sabi po ni Monique sabihin ko raw po sa inyo na nasa CR pa siya at tumatae."

Anak ng—! Makukutos talaga niya mamaya 'yang babaeng 'yan.

Muntik nang mabitiwan ni Francine ang tasa ng kapeng hawak nang biglang bumukas ang pinto at tumambad doon ang inis na inis na mukha ng kanyang boss.

"So. Ito na pala ang bagong CR?" nang-uuyam na tanong sa kanya ni James.

Ngumiti lamang siya. "Coffee, sir?"

"You know I don't drink that crap. Ibili mo ako sa ibaba."

"Galing na po kayo sa ibaba, sir, hindi pa kayo dumaan sa coffee shop para bumili?"

Naningkit lamang ang mga mata ni James.

Inikot ni Francine ang kanyang mga mata at inilahad ang palad. "Asaan na pambili n'yo ng kape, sir?"

Naglabas ng pera sa wallet si James at nilagay ito sa bukas niyang palad. "Keep the change. Tip ko na 'yon para sa 'yo." At lumabas na ito ng staff lounge.

"Piso? Keep the change?" Wala ng nagawa si Francine kundi iwan ang kape sa mesa at lumabas na rin. Bumaba siya ng gusali na siya namang headquarters ng Madrigal Hotel at tinungo ang coffee shop na katabi lamang ng kanilang opisina.

Mag-aanim na buwan na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya ni James, at ngayon ay malapit na talaga siyang sumabog sa sobrang inis sa arogante at antipatikong boss niya. Bakit pa ba siya pumayag sa trabahong ito?

Parang kahapon lang no'ng nilapitan siya ng totoo niyang boss. Tanda pa niya...

Nasa front desk siya ng Royal Hotel kung saan nagtatrabaho siya bilang receptionist.Wala pa namang taong dumaraan kaya hindi niya napigilan ang sariling drawing-an ang dyaryong nakapatong sa mesa.

"Ito ang bagay sa 'yo. Isang pares ng sungay. At isang mahabang buntot!" bulong pa niya sa sarili.

Kahit sa mga larawan lang niya nakikita ang hitsura ni James Madrigal ay kumukulo na ang dugo niya rito. Lagi pa naman laman ng mga pahayagan ang mukha nitong kampon ng kadiliman. Papaanong hindi, bukod sa anak ito ng isa sa may-ari ng sikat na hotel sa bansa, laging pinagpipiyestahan ng press ang love life nito. Daig pa nga nito ang mga sikat na artista kung pagtsismisan sa tabloid! Hindi porke't guwapo ito at mayaman ay dapat ang pabago-bagong status ng love life nito ang dapat isulat sa mga pahayagan! Aba, bakit hindi na lamang pag-usapan sa news paper ang global warming, o ang pagtaas ng singil sa kuryente, o 'di kaya ang pagbaba ng presyo ng manok sa merkado?

"Dapat ang mga tulad mo pinuputulan ng hotdog!" nangingitngit niyang sabi. "Para hindi na dumami pa ang lahi mong demonyo ka!"

"Is this what we pay you to do?"

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon