Chapter Six

52.3K 967 12
                                    

Pinahid ni Francine ang mga luhang bumakat sa kanyang pisngi. Ang walang hiyang lalaking 'yon! Ang kapal talaga ng mukha ni James para sabihan siyang... Oo, aminado naman si Francine na wala siya sa kalingkinan ng mga babaeng madalas na dumadalaw kay James sa opisina. Puro magaganda at sopistikada ang mga babaeng dine-date nito. Pero bakit pa kailangan nitong ipamukha sa kanya na hinding-hindi ito maaaring magkagusto sa kanya?

I don't like you. Iyon ang sinabi nito sa kanya. Gusto sana niyang sumagot ng "the feeling is mutual!" pero hindi niya magawang sabihin iyon. Hindi alam ni Francine kung bakit pero hindi niya masabing hindi rin niya gusto si James. At hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa sinabing iyon ng binata. Parang tumagos pa ito sa puso niya, nagdulot ng maliliit na kirot sa kanyang puso.

Tangina! Limang taon na 'yon, Francine! Tama na! sigaw niya sa sarili. Bakit ba nasasaktan pa rin siya? Sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti ni James na ibinibigay nito sa ibang babae, bakit selos na selos siya? Bakit inggit na inggit siya sa mga atensyong ibinibigay ni James sa ibang mga babae nito? Bakit sa tuwing naririnig niya ang mga tawa nito habang kausap ang isa sa mga babae nito sa telepono, hindi niya makalimutan ang mga tawa na tila musika sa kanyang pandinig limang taon ang nakakaraan?

Five years na ang nakalipas, pero bakit parang kahapon lang no'ng una silang nagkakilala ni James? Bakit parang kahapon lang niya unang nakita ang mga matatamis na ngiti nito na para lamang sa kanya, narinig ang mga halakhak nito habang nagkukuwentuhan silang dalawa? Bakit sariwa pa rin ang alaala ng mga halik nito sa kanya? At sariwa pa rin ang sugat na ibinigay nito sa kanya...

Bakit ganoon? Ang hirap makalimot. Ang hirap magpatawad. Ang hirap makapag-move on. Mabuti sana kung six months ago lang nangyari iyon--matatanggap pa niya kung bakit nagkakaganito siya. Pero limang taon?

Bakit ba hindi niya mabura-bura sa alaala niya si James Madrigal?

Matapos ng kanilang huling pagkikita five years ago, pinilit niyang makalimot. Pinilit niyang patatagin ang puso upang hindi na muling maloko pa ng iba. Naging matigas siya --naging bitter kung minsan, ngunit hindi naman niya maiwasan ang hindi maging bitter. Dahil naging mapait din naman ang kanyang nakaraan. Hindi na siya naniniwala sa mga true love, love at first sight at sa forever. At mas lalong hindi na siya naniniwalang mayroong The One dahil sa kanyang unang pagkabigo sa pag-ibig.

Pero pinilit niyang mag-move on. Ngunit hindi niya pa rin maialis ang galit sa kanyang puso dahil sa ginawa ni James. At hindi pa rin niya mapatawad ang sarili dahil nagpaloko siya, nagpauto siya, dahil nagpakagaga siya.

Kasalanan naman niya, 'di ba? Isa siyang novice noong panahong iyon --isang baguhan sa larangan ng pag-ibig. Pero ang laki naman niyang tanga para bumigay agad sa isang lalaking magaling magpaikot ng damdamin ng isang babae!

Huminga nang malalim si Francine nang tuminog ang kanyang cell phone. Marahil ay hinahanap na siya ng kasamahan niya. Idinukot niya ang cell phone sa kanyang bulsa at bahagya siyang nagulat nang nakita niya ang pangalan ni Mr. Villanueva sa screen.

"Hello, sir?" sagot niya sa tawag.

"Let's meet this evening. Six p.m. Same place. You know what to bring." Iyon lamang ang sinabi ng kanyang kausap at binaba na nito ang telepono.

Napabuntong-hininga na lamang si Francine. Noong una ay nababaitan siya kay Mr. Villanueva, at naaawa pa siya sa sitwasyon nito. Mahal niya ang babaeng pakakasalan ni James, at nais nitong tulungan ang babae na hindi gumawa ng isang maling hakbang. At ang pagpapakasal nito kay James ay isang pagkakamali. Kaya naman ay nag-iipon si Francine ng ebidensya ng mga panlolokong ginagawa ni James kahit na engage na ito. At hindi nga nagkamali si Mr. Villanueva na mag-alala para sa minamahal nito. Hindi pa rin nagbabago si James. Isa pa rin itong babaero, womanizer, isang player.

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon