Chapter Sixteen

48.8K 1K 25
                                    

His wife? Nahihibang na ba ang lalaking ito? Hindi makapagsalita sa Francine upang mailabas ang saloobin niya kay James. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? Inobserbahan niya ang lalaki. Prenteng nakaupo ito sa sofa na animo'y isang ordinaryong usapan lang ang nangyayari sa pagitan nila.

"G-gusto mo 'kong pakasalan?" pautal-utal pa niyang tanong.

Isang nakakainsultong halakhak naman ang pinakawalan ni James. "Who says I want to marry you? No. I don't want to marry you, Ms. Montojo. I never wanted a bitch for a wife."

"Eh, gago ka pala!" singhal niya. "Sinabihan mo 'kong maging asawa mo, tapos sasabihin mong ayaw mo naman akong maging asawa? Eh, may sira ka pala sa utak! Magpatingin ka kaya muna sa doktor at baka sakaling maisalba pa 'yang bulok mong utak!" Hindi mapigilan ni Francine ang bugso ng kanyang damdamin. Naiinis na siya kay James dahil sa nakalilitong mga sinasabi nito. Gusto nitong maging asawa siya pero ayaw nito sa kanya?  Nahihibang nga itong lalaking ito!

Tinitigan niya ng masama ang lalaki. "Aalis na ako. Maghanap ka na lang ng ibang kausap." Akmang tatalikod na sana siya nang nagsalitta si James.

"I don't want to marry you, but I have to. Kailangang may maipakita akong asawa para tigilan na nila ang gawin akong isang katatawanan at laman ng mga biro nila dahil sa tatlong beses na akong iniwan ng mga babaeng dapat ay mapapangasawa ko. I need a wife to show Villanueva that he does not have the upperhand. Na hindi siya ang nanalo rito. He may have gotten Margaret's trust and money, but in the end I gained something from his trickery-and that is your heart, dear future wife. At ang sarap isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Villanueva kapag nagpasalamat pa ako sa kanya dahil siya ang naging daan upang makilala ko ang babaeng mamahalin ko habambuhay."

Si Mr. Villanueva-matapos nitong gamitin siya bilang pain ay basta-basta na lang siya iniwan sa ere. Nakakalungkot isipin na dahil kay Francine, ang isang sakim na taong tulad ni Villanueva ay nagtagumpay.

"And I need a wife," patuloy ni James, "to show my father that I am a serious and responsible businessman. That I am commited in raising a family, and commited to our family business. Dad said I'm almost in my thirties and still I act as if I'm a college frat boy with raging hormones."

"Ha! Ngayon mo lang na-realize 'yan? Eh, akala ko nga isa kang walking STD dahil sa dami ng babaeng ina-ano mo!"

Nagdilim ang mukha nito. "Don't push your luck, Francine. May hangganan din ang pasensiya ko sa matabil mong dila."

"At bakit naman sa palagay mo ay pakakasal ako sa 'yo, ha? Hindi ikaw ang pinapangarap kong maging asawa, 'no. Baka may dalang kababalaghan 'yang sperm cell mo at mahawa pa ang mga inosenteng egg cell ko."

"Ang pagiging asawa mo ang pinag-uusapan natin. Wala naman akong sinabing makikipagtalik ako sa 'yo. O baka naman iyon ang gusto mo?"  Nginitian siya nito ng nakakaakit. "Tell me, did you miss my touch and my kisses that much? You could always touch yourself down there the way I did-I remembered tumitirik pa ang mga mata mo sa sarap while I fvck you with my fingers."

Kung may hawak lang na kutsilyo si Francine ay sinaksak na niya ang hambog at bastos na lalaking ito! At tatadtarin niya ang pinakaaalaga nitong ibon sa pagitan ng binto nito at ipapalamon sa buwaya. Sagad na ang inabot ng kanyang pasensya, at hindi na niya hahayaan pang bastusin siya ng walang-hiyang ito.

Humalukipkip siya at sumagot kay James, "Hiyang-hiya naman ako sa mga ungol mo! At for your information, nagpapanggap lang akong nasasarapan. Baka kasi masaktan ang ego mo, magpakamatay ka pa!" Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang pinto. Lalabas na sana siya nang may pahabol pa na salita si James.

"You have no other choice but to accept my proposal. It's either that or you go to jail. May utang ang pamilya mo sa akin, may kasalanan kang ginawa at may ebidensiya akong magpapatunay sa ginawa mo para ipakulong ka. But whatever you choose, I will make sure that you will live each and every day with misery. Para magtanda ka. Para alam mong hindi mo dapat kinakalaban at niloloko ang isang James Madrigal."

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon