Chapter Ten

49.2K 1K 31
                                    

Minasahe ni Francine ang kanyang sentido. Ang sakit-sakit ng ulo niya. Parang may mabigat na bato ang nasa loob ng ulo niya. Bakit pa ba kasi siya naglasing kagabi? Naalala niya na wala naman siyang balak uminom ng alak, kaso ang nag-udyok sa kanya ay ang pinoproblema niyang hospital bills at ang pag-pressure sa kanya ni Mr. Villanueva tungkol sa kanilang pinag-usapan. Naiinip na raw si Mr. Villanueva dahil sa mabagal na pagre-report ni Francine rito. Hindi na rin niya nagustuhan ang ginawang banta ng kanyang totoong boss na babawiin nito ang suporta sa pagpapagamot sa kapatid niya kung hindi siya tutupad sa napag-usapan. Ngayon pa na nagigising-gising na ang kapatid niya, ayon sa doktor ay kailangan tuloy-tuloy na ang treatment upang lubusang gumaling at manumbalik ang dating lakas ng kapatid niya.

"Good morning, Monique!" masayang bati sa kanya ng boss niyang si James. "How's your head?" Pero hindi na nito hinintay pang sumagot si Francine. Matapos nitong nilapag ang isang starbucks coffee sa mesa niya ay dumiretso na ito sa loob ng opisina nito.

Tumaas ang isang kilay ni Francine at mas lalo pang sumakit ang ulo niya. Isa pa 'yan sa nagpapadagdag sa kirot sa ulo niya. Kaninang umaga, pagkagising niya ay takang-taka siya kung nasaan siya hanggang sa maalala niya ang mga pangyayari kagabi. Kinabahan pa siya no'ng una. May nangyari ba sa amin ni James? ang una niyang itinanong sa sarili. Nagising siya kanina na nakahiga sa kamang hindi naman sa kanya, tanging panloob na camisole lamang ang suot niya -may nagtanggal ng kanyang blouse. Suot-suot pa naman niya ang mahaba niyang palda, ngunit nakaangat ito hanggang binti niya. Baka dahil sa paggalaw niya habang tulog kaya umangat ang laylayan ng palda niya. O 'di kaya'y may nag-angat nito? Pero wala naman siyang naramdamang kakaiba sa katawan niya no'ng paggising niya. At isa pa, alam niyang hinding-hindi siya papatulan ni James kahit pa lasing din ito. Hindi nga ba? Shit! Papaano nga kung mayro'n? Hindi na niya ginising pa si James at nagmadali siyang makaalis sa tinutuluyan ni James.

Kaya heto siya ngayon sa opisina, thirty minutes late dumating kanina, litong-lito sa mga pangyayari. Kasabay pa no'n ay parang may martilyong pumupukpok sa ulo niya. At higit sa lahat ay nakikisabay pa si James sa panggugulo sa kanyang isipan.

Bakit masaya siya nitong binati no'ng dumating ito?

Bakit may nilapag pa itong starbucks coffee sa desk niya? Lason kaya ito?

At bakit pasipol-sipol pa ang putek at mukhang masayang-masaya pa?

Nakabukas ang pinto ng opisina nito at mukhang may hinahanap sa mga drawers nito sa desk. Nang nakita na niya ang kung ano man ang hinahanap nito, tumayo ito at pumunta sa isang bahagi ng opisina kung saan ay hindi na ito makita pa ni Francine. Wala pang ilang segundo ay lumabas na rin ito ng opisina, hawak-hawak ang isang basong tubig.

Tumigil ito sa harapan niya. "Headache -I know, right? It's a real killer." Nilapag nito ang basong tubig at dalawang paracetamol sa mesa niya, kinindatan siya at saka bumalik sa loob ng opisina.

End of the world na ba? Sinapian ba ng anghel ang kanyang boss at biglang... bumait? Hindi. Hindi lang bumait. Concerned pa sa kanya ang lalaki.

Baka naman nananaginip lang si Francine? Baka ang totoo ay natutulog pa siya sa kama niya at panaginip lang ang lahat ng ito.

Una ang kape. Pagkatapos, wala pang lagpas sampung minuto, itong gamot naman na may kasama pang tubig. Ano na ba ang nangyayari sa mundong ito?

Kilala ni Francine ang pag-uugali ni James. Hindi ito basta-basta kikilos ng ganoon kung wala itong kailangan sa kanya. O baka naman may binabalak ito? Hindi niya alam. Pero isa lang ang malinaw para kay Francine: Dapat ay doble-ingat siya kay James at baka mauwi na naman siya sa sakit sa puso.

Dahil masakit naman ang ulo niya, ininom na lang niya ang gamot na ibinigay ni James. Sa susunod na lang siya magpapasalamat dito -'yon ay kung maaalala pa niyang magpasalamat.

The PAST MISTAKEWhere stories live. Discover now