Chapter One

89.6K 1.3K 43
                                    

Five years ago...

"Bes, kanina ka pa tinititigan ng guy na 'yon, oh," saad ng kanyang kaibigan na si Cass.

Kanina pa nga napapansin ni Francine Monique Montojo na tinititigan siya ng lalaking nasa kabilang mesa.

Kasalukuyang nasa loob siya ng isang kilalang Bar kasama ang kanyang dalawang best friend na sina Abigail Salvador at Cassandra Aquino. Katatapos lang ng kanilang finals, kaya naman ay niyaya sila ni Cass sa Bar para raw mag-celebrate dahil natapos na rin sa wakas ang 'kalbaryo' nila sa buhay: Ang final exams. Natatawa na lamang sina Francine at Abby sa rason ni Cass —hindi kasi mahilig mag-aral ang kaibigan nilang iyon.

Incoming fourth year na silang tatlo sa susunod na pasukan. HRM ang kurso ni Francine, habang sina Abby at Cass naman ay parehong nasa College of Nursing. Kaya naman ay madalang na rin sila magkita-kitang magkakaibigan dahil sa pagiging busy sa kanilang mga buhay sa kolehiyo.

At dahil natapos na rin ang kanilang second sem, nais ni Cass na mag-celebrate at para rin daw makapag-bonding muli silang tatlo. Kaya heto sila ngayon sa isang Bar at nagsasaya —o kaya naman silang dalawa ni Cass ang nagsasaya habang si Abby naman ay nababagot na.

Napatingin din si Abby sa gawi ng lalaking tinutukoy ni Cass. "Enrique Valdez. Twenty. Engineering student. Nanalong senator this school year, mostly dahil sikat siya at member din ng school board ang tatay niya."

"And you know all of these because?" tanong ni Cass kay Abby.

"Dahil ni-research ko no'ng tumakbo siya as senator," turan naman ni Abby. "At hindi ko siya binoto, by the way. Besides, niligawan ka niya last year."

"Really?" taas-kilay na tanong ni Cass. "How come I don't remember him? I don't remember him courting me at all."

Sa pagkakataong iyon, si Francine na ang sumagot. "Dahil sa amin mo ipinapasa ang mga chocolates na ibinigay niya sa 'yo kasi on a diet ka. At itinatapon mo naman ang bulaklak sa basurahan kasi allergic ka sa flowers."

Muling dumapo ang paningin niya sa dating manliligaw ni Cass. Nagtama ang kanilang mga mata at itinaas ng lalaki ang hawak na bote ng beer na para bang nakikipag-toast ito sa kanya. Kumunot ang noo niya. Sa lahat ba naman nang magkakagusto sa kanya ay ex-manliligaw pa ng best friend niya. Napaka-awkward naman ata no'n. Guwapo naman itong si Enrique, kaso hindi talaga trip ni Francine ang mga mukhang mayayabang at feeling guwapo.

Pero alam naman niyang hindi siya puwedeng maging choosy dahil hindi naman siya kagandahan. Oo, mahilig siyang mag-ayos, matangkad siya at may katangusan rin ang ilong. May hitsura naman siya kahit papaano. Hindi siya gaanong maputi, hindi rin naman masyadong morena. At kahit maganda ang pagkakaayos ng tuwid niyang buhok na ginamitan niya ng hair iron, at sexy ang suot niyang black dress, alam niyang hindi naman siya agaw-pansin. Hindi tulad ng best friend niyang si Cass na suot-suot ang bagong bili nitong red dress na sa sobrang iksi ay muntik nang himatayin ang konserbatibo nilang kaibigan na si Abby nang nakita nito ang plunging neckline at body hugging na suot ni Cass.

"Well, wala naman kaso sa akin kung liligawan ka niya," biglang saad ni Cass.

Napalingon siya sa kaibigan. "Sigurado ka? Ang ibig kong sabihin hindi ba parang awkward?"

Umiling ang kaibigan niya. "Wala naman akong pake kung magkagustuhan kayo. Eh, 'di ba nga hindi mo na ako tinatantanan kung bakit hindi mo makita si 'The One' mo? O, baka si Enrique na 'yon. Basta 'wag ka lang niya sasaktan at baka putulin ko ang balls niya at gawing sweet and sour."

Napasinghap naman si Abigail sa naging turan ng kaibigan. "Cass!Napakabulgar naman ng mga salita mo."

Inikot lamang ni Cass ang mga mata at sarkastikong tumugon. "Sorry po, sister Abby."

The PAST MISTAKEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum