CHAPTER 40

389K 9K 329
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Tok! Tok! Tok!" Halos mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng pagkatok sa baba ng apartment ko. Tinatamad pa akong bumangon. Pero dahil sa istorbong tao nang gigising sa'kin. Wala akong choice kundi ang bumangon sa pagkakahiga.

Nakapikit pa ang isa kong mata habang nagbubukas ng pintuan.

"Goodmorning, Ally!" bungad ni Dianne.

"Oh? ikaw pala Dianne."

"Oh, my gosh!" sigaw ni Dianne.

Kumunot ang noo ko. "Bakit anong problema?"

Tinuro niya ang nasa likuran ko.

"WAaaaaHhhhhhh!" Sigaw ko.

Natakip ko ang mukha ko. Ikaw ba naman ang makakita ng naka-boxer short na lalaki at walang pang-itaas na damit tapos kita ng six packs abs at gwapo. shit! Magigising talaga ang diwa mo.

"Hi, Good morning girls." tapos bigla siyang tumalikod.

"Girl," tinuro ako ni Dianne.

"Anong problema sa'kin?"
Pagtingin ko sa suot ko. "Waaahhhh!" Hindi ko malaman kung ano ang tatakpan ko. Wala kasi akong suot na bra at naka nighties kasi ako at maikling short.

"Saglit lang ha!" Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Suckss! Nakakahiya talaga!" parang kamatis ang mukha ko sa sobrang hiya ko. Bakit kasi nandito pa si Frits. oh, no! Dito ba siya natulog?

Paglabas ko. Nakita ko ang dalawa sa kusina na nagkakape. Nakasuot ng uniform si Dianne at si Frits suot niya na ang damit niya kagabi. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Nahihiya kasi ako.

"Oh, Ally andiyan ka na pala!" bati ni Dianne.

Lumapit ako sa kanila. "Bakit hindi ka umuwi sa inyo kagabi?" Tanong ko kay Frits.

"Wag ka ng magalit sa kanya, Ally, xoncern lang siya sa'yo. Buti nga sinamahan ka niya kagabi kasi baka balikan ka ng mga lalaking humabol sa'yo."

Na-kwento na pala ni Frits ang nangyari kagabi. kaya pala may kakampi na siya. Tss! Kainis naman.

"Oh, Pinagtimpla na kita ng kape." Abot sa'kin ni Frits ng kape.

"Salamat! Hindi ka nagpaalam sa'kin na hindi ka uuwi."

"Hindi ka naman. Papayag kaya hinintay kitang makatulog." sagot ni Frits.

"Hay, naku! Tama na nga ang usapan niyo. Bilisan niyo na baka ma-late na tayo." sabad ni Dianne.

Oo nga pala may pasok nga pala kami ngayon. Pagkatapos kong magkape. Naligo na ako at nagbihis ng uniform ko. Hinatid kami ni Frits sa school.

"Hindi ka ba papasok?" Sabi ko bago ako bumababa ng kotse.

"Mamaya pa ako papasok. May aasikasuhin lang ako."

"Okay sige, salamat!' Bumababa na ako, sabay kaming naglakad ni Dianne papuntang room.

"Hoy! Ally, hindi ka pa nagkwe-kwento sa'kin."

"Wala na akong sasabihin sa'yo kasi sinabi ni Frits," nauna akong maglakad sa kanya.

"Teka! Ally, hintayin mo nga ako!" Habol sa'kin ni Dianne.

"Ang bagal mo male-late na tayo eh, " huminto ako para antayin si Dianne. Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng abogado namin agad ko itong sinagot.

"Hello Atty. Mendez,  ano po ang kailangan niyo?

"About sa kaibigan ng Daddy mo. Gusto ka raw niyang makilala at makausap." Sagot ng nasa kabilang linya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now