CHAPTER 75

357K 7.6K 245
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Waaahhh!" Sigaw ko.

Mabilis akong bumangon at hinila ko ang kumot na kaninang nakatakip sa'kin

"A-Anong Ginawa mo sa'kin?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo? psh! You're insane." sagot niya sa'kin. Magulo pa ang buhok niya dahil sa biglang gising.

Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ko sa kanya.

"Pervert! Pervert! Letche ka! Hu-hu-hu! Anong ginawa mo sa'kin kagabi?!" walang tigil kong paghampas sa kanya.

"Stop it! Girlfriend, itigil mo 'yan!"

Pinagmasdan ko ang sarili ko. Naka-maikling short at blouse ako. Hindi ito ang damit ko kagabi. Ang bwiset na Frits 'yan pinagkatiwalaan ko siya. hu-hu-hu.

Tiim-bagang ko siyang tinitigan tapos muli ko siyang pinaghahampas ng unan. Si Frits naman sinasalag ang mga hampas ko.

"Manyak! Manyak! I hate you! Nagtiwala ako sa'yo!"

"Stop it, Allyson!" Dumadagundong niyang sigaw sa'kin, saglit akong huminto. At palaban akong nakipagtitigan sa kanya.

"PERVERT!" mariin kong sabi.

Hinawakan niya ako sa magkabilang palapulsuhan. Tapos tiim-bangang siyang nakatitig sa'kin, bakas sa mukha niya ang matinding galit.

"For God sake Ally, hindi ko gagawin iyon sa'yo ang iniisip mo. You're insane, hindi mo ba matandaan ang ginawa mo kagabi, ha!" He said in a lower tone.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Saglit akong nag-isip, ano nga ba ang nangyari kagabi? Wala akong maalala.

"Ginawaan mo ako ng masama kagabi, pagkatapos—

"Tapos ANO??" naniningkit ang mata niya sa galit.

"Tapos..." putol ko sa iba pang sasabihin ko, Hindi ko talaga maalala ang nangyari kagabi. basta ang alam ko lang paggising ko. Kayakap ko si Frits. Wala siyang pang itaas at ako iba ang damit.

"Tapos? Tapos hindi mo alam na uminom ka ng alak dahil sabi mo magce-celebrate tayo dahil kasal-kasalan na tayo."

Tumaas ang kilay ko. "Huh?

"Tapos hindi mo alam na nalasing ka ng sobra. At sinukahan mo ang damit mo. Tapos hindi mo alam na sinukahan mo rin ang tuxedo kong suot? Tapos hindi mo rin alam na kaya ganyan ang suot mo dahil pinalitan ko ang suot mong damit na may suka? " tinitigan niya ako ng masama. "Hindi mo ba alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko. habang nakapikit ang isang mata ko habang pinapalitan ka ng damit. Torture iyon girlfriend sa'kin, tapos ngayon paggising mo. Maghi-hesterikal ka, What the hell!"

Bigla akong natahimik.

"Boyfriend, ang saya-saya ko dahil kasal-kasalan na tayo."

Nasa loob na kami ng resthouse. Nakasalampak na kami sa kama dahil sa sobrang pagod.

Bumangon si Frits. At humarap sa'kin. "Ako ang pinakamasayang gwapong lalaki ngayon Wife ko. Dahil finally pag-aari na kita."

Marahan ko siyang sinampal. "Pag-aari ka diyan! Legal ba?"

"Isipin mo na lang legal okay, kasi ako simula pa lang iniisip ko na legal ang kasal natin."

Ngumiti ako. "Sige na nga!"

Tuluyan na siyang tumayo."Tara na Wife ko, kumain mun tayo bago mag honeymoon." Sabi  niya ng may pilyong ngiti.

Hinampas ko siya. "Ayoko ng ganyang biro " Sabi ko pa. Habang nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now