CHAPTER 78

307K 6.3K 256
                                    

A/N:

Another side story of those girls,
Rhinababon, Aceshelle, Sweetie(katerina) wish granted! ;) this is for you guys!

'Yan, naisingit ko pa. Ha-ha-ha! Thank you, 'yung iba pasensya na kung hindi ko na magawan ng side story, masyado na kasing madaming characters, he-he-he, sana hindi kayo malito. Thank you guys.

--------------------------------------------------

ACESHELLE'S P.O.V.

"Hello Aceshelle," tawag ni Zyrus sa cellphone ko.

"Yes,cousin?"

"Nasaan na kayo?"

"Malapit na kami sa Hotel, kanina pa kayo diyan?"

"Oo, kanina pa, Bakit kasi hindi pa kayo sumabay sa'min?"

Umikot ang eyeball ko at sinilip ang katabi  kong mahimbig na natutulog.

"Eto kasing si Rhina eh, ang kupad kumilos. Aish! Dapat hindi na 'yan sinama sa outing eh, kakasira ng bangs,"

"Hoy! Ace, narinig ko 'yan! Ikaw itong makupad, tse!" Sigaw ni Rhina. Nagtulog-tulugan lang pala siya.

"Akala ko ba tulog ka?"

"As if naman makakatulog ako sa ingay mo! Kanina ka pa reklamo nang reklamo diyan eh, para kang inahing manok na nagle-labor." Taas pa ang kilay niya.

Inirapan ko siya. "Tse!"

"Nag-aaway na naman ba kayong mag bestfriend?" Tanong ni Zyrus sa kabilang linya.

"Hindi naman, pag pasensyahan mo na itong si Rhina. Kalalabas lang kasi niyan sa Mandaluyong."

Tumawa ng malakas si Zyruz.
"Hay naku kayo talagang dalawa hindi pa rin kayo nagbabago. Sige ingat kayo. Text or call me kapag nasa Hotel na kayo. Wag na wag pala kayong mag papakita kay Allyson, okay!"

"Yah, I understand. Bye Zyrus."

"Bye guys,"

"Hoy! Ace. Anong sinasabi mo'ng galing ako sa mandaluyong? Sinisiraan mo ako kay Zyrus. Crush ko pa naman siya,"

Nilingon ko si Rhina."Kawawa ka naman basted ka ulit kay Zyrus. Taken na iyon, noh! As if naman papatulan ang katulad mong Mental Retarted,"

"Aba't, ikaw Aceshelle ang hard non ah! Kaysa naman sayo inlove na inlove sa wizard at barbarian, goblin, dapat ikaw ang dinadala sa Mental adik sa Clash of Clan."

"Whatever! Basted!" Inirapan ko pa siya.

"Tse!" Inirapan din ako ni Rhina,
Tapos hindi na kami nag-imikan dalawa.

Ako at si Rhina. Mag bestfriend kami niyan. Kita naman di ba? Super sweet namin kulang na lang baril or itak di ba? Ganyan kami magmahalan, ang mga ganyang salita normal na sa'min 'yan dalawa kaya. Hindi na kami napipikon dalawa, nakatanggap kami ng invitation sa Boyfriend ni Allyson Ramirez invited kami sa debut niya. kaya naman papunta kami ngayon sa hotel. Tama si Rhina Adik nga ako sa C.O.C, (Clash Of Clan) Ako kaya ng Leader ng Clan namin. Ako ang pinakamalakas puro high level na mga troops ko. Anyway Hindi ito tungkol sa C.O.C Back to Ally's Debut. Dapat kasama kami nila Zyrus kaya lang itong si Rhina nakipag-inuman pa. Tss... ayun tinanghali ng gising. Kaya eto papunta palang kaming dalawa. Naiinggit ako kay Allyson dahil masaya na siya sa buhay niya. Hello! Ikaw ba naman magka-Boyfriend ng Frits Santiago. Kilala siya kahit sa School namin. Kadalasan siya ang nagiging Main reason ng mga hitad sa School namin para lumipat sa S.P.I.A. Andun kasi si Frits ang iba pang Casanova.

Natanaw ko na ang Hotel kung kaya't mabilis kong pinihit pa kanan ang sasakyan ko. Hindi ko napansin ang kotseng nakahinto malapit sa Hotel. Nabangga ko iyon.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon