CHAPTER 59

393K 9.2K 359
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Yaya Chedeng, ayus na po ba itong niluto kong almusal para kay Ally?" Tanong ko kay Yaya Chedeng.

Maaga akong nagising ngayong umaga, pinagluto ko kasi si Ally ng almusal niya.

"Oo, Frits masarap na 'yang inihaw na liempo."

"Sige po, dadalhin ko na sa kwarto niya."

"Kailangan mo ba ng tulong ko para magbitbit ng mga 'yan?"

"Ah, kung pwede po sana Yaya."

"Siyempre naman pwedeng-pwede," tapos binitbit na ni Yaya Chedeng ang pitsel na may lamang pineapple juice, at baso. Pagkatapos nagtungo na kami sa kwarto ni Ally, dahan-dahan pa naming binuksan ang kwarto ni Ally, nakita naming tulog na tulog pa rin siya.

"Yaya, okay na po salamat," halos pabulong kong sabi kay Yaya Chedeng, tumango na lang si Yaya Chedeng at umalis na siya.

Marahan kong sinara ang pintuan ng kwarto niya, tumayo muna ako sa tapat ng kama niya at pinagmasdan ko siya.

"Girlfriend na kita Ally, sa susunod katabi na rin kita sa pagtulog, dahil hindi ako papayag na mawala ka pa sa'kin.” Kausap ko sa tulog.

Tumabi ako sa kanya, dahil naka-tagilid si Ally habang natutulog, humiga rin akong nakatagilid ngunit nakaharap sa kanya. Nakangiti ako sa maaring maging reaksyon ni Ally. Kapag nakita akong nasa loob ng kwarto niya at katabi niya. Hindi talaga akong nagsasawang pagmasdan siya. Mayamaya lang naramdaman ko ang pagkilos ni Ally, napangiti ako.

"Waahh!' Sigaw ni Ally, bigla siyang tumayo sa kama niya. Halatang gulat na gulat siya. Habang ako kampateng nakahiga sa kama niya.

"A-Anong Ginagawa mo rito?"

Ngumiti lang ako. "Natutulog,"

Hinila ni Ally ang kumot na nasa kama at itinakip sa katawan niya.

Nakamaikling short lang pala siya at walang suot na panloob sa bandang itaas.

"K-Kanina ka pa rito?" Nakakunot ang noo niyang tanong.

"Mga five minutes pa lang."

"B-Bakit ka nandito?"

Bigla kong naalala ang niluto kong almusal para sa kanya, bigla akong tumayo. Ngunit bago iyon, lumapit muna ako kay Ally, hinawakan ko siya sa bewang, at tinapat ko ang bigbig ko sa tenga niya, then i whisper. "I love you Girlfriend."

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain. "Breakast in bed." Inilapag ko iyon sa kama niya, hinawakan ko ang kamay ni Ally at pina-upo ko siya sa tapat ko.

"Ako nagluto niyan para sa'yo."

Ngumiti siya. "Ang sweet naman ni Boyfriend."

"Siyempre, gagawin ko ang lahat para sa mahal ko, tara kumain na tayo!"

Biglang tumayo si Ally. "Boyfriend saglit lang ha! Five minutes lang!” tapos pumasok siya sa banyo, napangiti na lang ako. Habang hinihintay siya.

"Matagal ka bang naghintay?" Tanong ni Ally.

Ngumiti ako. "Ang bilis mo nga eh, wala ka pang five minutes."

Umupo siya sa kama. Sa katapat ko, "Nagtoothbrush at naghilamos lang ako para hindi mabaho."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Pinagmasdan ko siya." Patikim nga kung mabango na!"

"H-Ha? Anong patikim?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now