CHAPTER 88

266K 6.5K 1K
                                    


FRITS'S P.O.V.

"Boyfriend... Uy! Boyfriend!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, antok na antok pa ako ng mga oras na iyon. laking gulat ko sa nakita ko, si Allyson, siya ang una kong nasilayan.

Si Ally, nakatayo sa tapat ko. May dala-dala siyang pagkain. Habang nakatingin sa'kin at nakangiti. Agad akong bumangon.

"Ally... I-Ikaw ba talaga 'yan?"

Ngumiti si Ally. "Ako nga boyfriend, miss na miss na kita."

Agad ko siyang niyakap. Hindi ko napigilang umiyak sa balikat niya. Inangat ko ang mukha ko at muli akong tumingin sa kanya.

"Sampalin mo nga ako, Wife ko," sabi ko sa kanya.

Sumimangot siya sa'kin, tapos biglang ngumiti nang sampalin niya ako.

"Ouch!"

Masakit ang sampal, ngunit patunay lang ito na hindi ako nanaginip.

Tumawa ng malakas si Ally. "Akala ko naman kung ano?"

"Akala ko mawawala ka na sa'kin, akala ko iiwan mo na ako, miss na miss na kita na Wife ko."

Tumugon siya sa yakap ko. ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya habang mag-kayap kami ng mahigpit.

"Miss na rin kita boyfriend, hindi ako sumusuko. lumalaban ako para sa'yo. Hindi ako nagpapatalo dahil alam kong malulungkot ka."

Bahagyang kong inilayo ang katawan ko kay Ally. At pinagmasdan ko siya. Sobrang ganda pa rin niya, Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos-haplos.

"Hindi naman ako nanaginip di ba? " tanong ko. Habang nakatitig ako sa kanya. At kung nanaginip man ako. Ayoko nang magising.

"Ma-drama ka na ngayon, Boyfriend, Kumain ka na ilang araw ka nang hindi kumakain." kinukuha niya ang mga pagkaing dala-dala niya,

Pinagmamasdan ko siya habang inaayos ang pag-kain na dala niya.

"Baka  matunaw na ako sa kakatingin mo sa'kin, boyfriend ko."

"Namimis ko lang titigan ka para kasing hindi ako makapaniwala na nasa tabi kita."

Humarap siya sa'kin, tapos pinagmasdan ang mukha ko ilang minuto rin kaming nagkatitigan. Tapos biglang niya akong ninakawan ng halik sa lips pagkatapos pinitik ang ilong ko, saglit akong nagulat sa ginawa niya, kaya ang ginawa ko kinabig ko siya. Palapit sa'kin, napayakap tuloy siya sa dibdib ko. Muli kong pinagmasdan si Ally, parang hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan siya, pagkatapos hinawakan ko ang chin niya. At tinitigan ko siya habang dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo, sa ilong .

"I love you, Wife ko."

Napapikit ako ng dumapo ang labi ko sa malambot na labi niya, "It's real!"

Dug,dug,dug, naririnig ko ang pagpintig ng puso ko. At ang pag pintig ng puso ni Allyson, totoo ang lahat. Ang init na pagmamahal ni Ally ay ramdam na ramdam ko, kusa kaming bumitaw ng halos maubusan kami ng hangin sa baga, tapos nagkatitigan kami at nagtawanan kaming dalawa.

"Kumain ka na boyfriend."

"Ikaw Wife, hindi ka ba kakain? Sabay na tayo."

Ngumiti siya sa'kin. "Ikaw na lang mas kailangan mo 'yan. Busog pa kasi ako. Hindi naman kasi ako katulad mo'ng nagpapalipas ng kain eh,"

"Hmm... kasalan mo kasi eh, pinag-aalala mo ako, eh,"

Sumeryoso ang mukha niya.
"Wag kang basta susuko agad kapag may dumadating sa'yong problema. Dapat magiging matapang at matatag ka."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now