CHAPTER 52

393K 8.5K 972
                                    

ALLY'S P.O.V

"Saan kaya galing ito?"

Paggising ko kasi may isang pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng kama ko, kinuha ko iyon at bumangon na ako. Kailangan kong magluto ng breakfast ni Frits. Ngayon ko naman masusubukan ang natutunan kong pagpi-prito. Excited na akong magluto. Pagbaba ko sa unang hagdan nakita ko ulit ang isang pulang rosas. Pinulot ko iyon.

"Bakit ba may mga nakakalat na rose dito? Ang hirap pa namang maglinis ng buong bahay nila Frits. Haist!"

Halos lahat ng hagdan may isang pulang rosas. Halos hindi ko na mahawakan ng isa kong kamay ang rose. Pagpunta ko sa kusina may mga petals naman na nasa sahig.

"Ano bang meron? May taniman ba ng rose rito? Ang kalat eh, mag wawalis pa tuloy ako bago pumasok sa school. Tsk! Kaasar!"

Pagpasok ko sa kusina. Sinalubong ako ng nakangiting si Frits. May hawak na isang pulang rosas. Napatingin ako sa kanya.

"Anong nangyayari?"

Lumapit siya sa'kin. Tapos hinalikan ang ulo ko, ibinigay niya sa'kin ang hawak na rose. At lumuhod siya sa'kin.

"Allyson Ramirez, will you Marry me?"

Napatawa ako kay Frist. Dahil ang ginawang singsing ay ang sibuyas na puti. Hiniwa lang siya ng bilog. Kahit siguro tatlong daliri kaysa sa butas ng sibuyas.

"Ha-ha-ha! Puro ka kalokohan." Sabi ko.

"Sagutin mo kasi ang tanong ko." Maktol niya. Nakaluhod pa rin siya. Kung totoo sana iyon baka hindi ako magdalawang isip na sumagot ng YES! Pero siyempre joke lang ito. For Fun.

"Oo, sige na! Yes, I do, I do! Tumayo ka nga diyan."

Tumayo naman si Frits. Tapos inalalayan ako habang umuupo ako.

"Cinderalla, wag kang umalis diyan sa upuan mo. Ipag-utos niyo ang nais niyo."

Hindi ko mapigilang hindi Tumawa sa kanya. Ang dami kasing alam na kalokohan.

"Sumayaw ka."

"Cinderella, walang naka-program na sayaw sa'kin."

"Hmpt! Gusto kong sumayaw ka. 'Yung watch me whip, watch me nae-nae."

"Cinderella, hindi ko alam ang sayaw na iyon. Iba na lang ang pagawa mo sa'kin."

"Ayoko nga! Hmpt!"

Kakamot-kamot sa ulo si Frits. "Pero, Cinderella."

"Watch me nae-nae ang gusto kong isayaw mo."

"Sige na nga! Sasayawin ko na. Pero bawal ang tumawa, ha!"

Tumango ako. Pero sa totoo lang excited na akong makita siyang sumasayaw. Hindi ko pa kasi siya nakikitang sumayaw.

"Oh, Cinderella, for your eyes only, wag mong i-video ha!" Ani Flrits.

Tapos nag-umpisa ng siyang sumayaw.

♪♪♪ Now watch me whip (Kill it!)
Now watch me nae nae (Okay!)
Now watch me whip whip
Watch me nae nae (Want me do it?)

Habang pinapanood ko siya. pinipigilan kong wag tumawa. Paano ba naman kasi nakakatawa ang itsura niya habang sumasayaw siya.

"Ha-ha-ha!" Hindi ko na talaga mapigilang hindi tumawa.

Umingos siya. "Ano ba 'yan! Pinagtatawan mo naman ako eh," huminto na siya sa pagsasayaw at umupo na.

"Ha-ha-ha-ha!" Bakit ka tumigil?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now