CHAPTER 84

268K 6.7K 557
                                    

MAUREEN'S P.O.V.

"Dito na iyon!" sabi ko, nang makababa kami ng kotse.

Tatlong bahay mula sa pinaghintuan ng kotse namin ang layo bago makarating sa lumang mansyon.

"Saglit lang! Ako muna ang papasok. Para hindi makahalata ang mga tauhan ni Ate maddison, may sampu siyang inupahang tauhan nasa loob ang mga iyon, at may mga dalang baril."

"Dont worry cousin, meron din kaming dala." Inilabas ni Teo ang baril niya mula sa maliit na bag. Gayun din sila Drek at Luke.

"B-Bakit may mga baril kayo?" Tanong ni Dianne.

"Matagal na kaming may baril, for security purposes." sabad ni Patrick.

"Kung gano'n, mag-ingat na lang tayong lahat. Sana walang may masaktan sa'tin," ani Dianne.

"Mauuna na ako." sabi ko.

"Mag-iingat ka." Sabi nila.

"Salamat."

Kumatok ako sa malaking gate ng lumang mansyon. Alam kong may mga bantay sa labas.

"A-Ano ba, buksan niyo!" galit kong sabi. Kailangan kong mag-panggap na kakampi nila ako upang hindi sila makahalata..

Binuksan naman ng lalaki sa loob ang gate.

"Ma'am Maureen, bakit wala po kayong dalang kotse?" Tanong ng isang lalaki. pasilip-silip pa ito sa labas. Napansin kong tatlong lalaki ang bantay sa may gate.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano bang pakialam mo. Nasiraan ako diyan sa may kabilang kanto!"

Kakamot-kamot ang lalaki.
"Nagtatanong lang naman po."

"Pwes! Ayoko ng tinatanong-tanong ako! Bwiset!"

Binatukan ng isang matabang lalaki ang kasama niya.

"W-Wag mo na kasing tanungin, alam mo namang katulad niya si Boss, baliw din 'yan katulad ni Boss Madisson." Halos pabulong na sinasabi ng mataba sa isang lalaki.

"Anong pinag-uusapan niyo diyan?"

"Ha? W-Wala po!" Sabay sagot ng dalawa.

Patingin-tingin ako sa paligid. Tinitingnan ko kung nasaan ang iba mga tauhan ni Ate. "Isa... Dalawa..
tatlo.. apat." Apat ang halos ang bilang ng nakita kong mga tauhan ni Ate sa first floor.

Nag-isip ako ng magandang dahilan upang makapasok ang mga kasama ko.

"Hoy! Mga panget!"

"Kami po ba iyon?"

"Oo, sino pa ba ang panget dito? G*g*!"

kamot-kamot na nagsilapitan ang apat sa'kin "Bakit po?" sagot nila.

"Tumawag si Ate maddison, umakyat daw kayo. Bibigyan kayo ng bonus."

Halos sabay-sabay na ngumiti ang apat. "Ayos!"

"Talaga!" Sagot pa ng isa,

"Ang swerte natin sa boss natin may bonus pa tayo," usal ng isa.

"Oh? Ano pang tinitingnan niyo diyan? Lumayas na kayo sa harapan ko! Mahahawaan pa ako ng kapangitan niyo."

"Opo! Aalis na po kami," tapos umakyat na sila sa second floor ng mansyon. Nang hindi ko na matanaw ang apat. Binuksan ko ang malaking gate at pinapasok sila Teo.

"W-Wag kayong magpapakita sa kanila. Baka patayin nila kayo."sabi ko.

Tumango silang lahat. "Salamat Maureen." Sabi pa nila.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon