CHAPTER 46

399K 13.4K 769
                                    

ALLY'S P.O.V.

Nagising ako na ibang-iba ang kama na hinihigaan ko. Iba rin ang kobre kama ko. Saglit akong nag-isip kung anong nangyari kagabi.

"Good afternoon Senyorita Ally."

Napalingon ako. Sa nagbukas ng pinto. "Yaya Chedeng??" Gulat kong sabi.

Lumapit sa'kin si Yaya Chedeng. Ako naman yumuko. Nahihiya kasi ako sa mga ginawa ko sa kanya noon. Napakabastos ko sa kanya. hindi ako naging mabuting amo sa kanya.

"Senyorita, Ally, kumain na po kayo ng lunch. Teka nagising po ba kayo sa pagbukas ko ng pintuan ng kwarto?"

Umiling ako. "Yaya Chedeng, sorry." Sabi ko.

Ngayon lang ako makakahingi ng sorry sa kanya ngayon magkapareho na kami ng istado ng buhay.

Naramdaman kong tumabi sa'kin si Yaya Chedeng tapos inakbayan niya ako.

"Senyorita wala na sa'kin iyon. Matagal ko na kayong pinatawad."

Inangat ko ang ulo ko. Nakita ko si Yaya Chedeng nakangiti sa'kin. tumulo tuloy ang luha ko. Niyakap ko siya at umiyak ako.

"Yaya, thank you at napatawad mo na ako. Ang bait mo talaga! Sorry naging masama ako sa'yo."

Hinimas niya ang balikat ko.
"Wag kang umiyak, papangit ka niyan."

"Yaya naman eh,"

"Oh, siya lumabas ka na diyan at kumain ka na. Yung mga gamit mo sa apartment mo pinakuha na ni Frits."

"Ho?"kumunot ang noo ko.
"Bakit niya po pinakuha?"

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Frits? Sabi niya dito ka na raw titira?"

Oo nga pala, mula ngayon. Maid na ako ni Frits. "Yaya Chedeng! Nasaan po ang mga gamit ko?"

"Nasa kwarto pa ni Frits, siya na raw ang magbibigay sa'yo."

"Eh,kanino po ba itong kwarto na ito?"

Ngumiti si Yaya Chedeng. "Kwarto mo ito Ally, matagal na itong nakalaan sa'yo."

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng buong kwarto. Napakaganda naman. Apple green ang kulay ng mga dingding ng loob ng kwarto. Malawak pa ang loob. Mas malaki pa yata ito sa dati kong kwarto sa dati naming bahay.

"Yaya, baka po nagkakamali lang po yata kayo. Masyado namang maganda ang kwarto na ito para sa isang maid.

"Hindi ako nagkakamali. Basta! Wag mo munang isipin ang kwarto na 'yan hihintayin na kita sa labas at kumain ka na ha! Pagagalitan ako ni Frits kapag hindi ka kumain."

"Salamat po, Yaya! Pumasok po ba si Frits sa school?"

"Oo, mamaya uuwi na iyon. baba lang ako ha! Maghahanda na kasi ako ng lulutuin para sa dinner."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po."

Tapos lumabas na si Yaya Chedeng ng kwarto. Sinipat ko  ang relo ko. Alas dos na pala ng hapon.

"Grabe ang haba ng itinulog ko. Sabi ko kasi kay Frits gisingin ako eh," kausap ko sa sarili ko.

Bumangon ako at naligo Bago lumabas ng kwarto. ilang minuto rin ang tinambay ko sa banyo. Ang sarap kasing magbabad sa jacuzzi na miss ko talaga siyang gamitin, Habang nagbibihis ako. Napansin ko ang isang card na nakadikit sa salamin. Kinuha ko iyon. 'Yung itsura ng note card hugis ni hello kitty. Binasa ko iyon.

How's Cinderella sleep?
Text me, 09*******67

"Iyon lang pala ang sasabihin nag-effort pa ng note card."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon