CHAPTER 79

319K 7.2K 234
                                    

ALLY'S P.O.V.

Nagising ako ng wala sa tabi ko si Frits, agad akong bumagon upang hanapin siya. Ngunit ilang beses ko ng pinagtanong sa mga kasama namin dito sa hotel, hindi nila alam kung nasaan si Frits, ilang beses ko na siyang tinawagan ngunit walang Frits na sumasagot.

"Nasaan na kaya si boyfriend?" Pabulong kong sabi. Nang makabalik ako sa kwartong tinuluyan namin.

Muli kong sinubukan na tawagan ang cellphone niya. Ngunit ang narinig ko ay ang ringtone ng cellphone niya sa loob ng kwarto. Hinanap ko iyon, At natagpuan ko iyon sa ilalim ng unan na hinihigaan namin.

"Bakit niya kinalimutan ito? Nasaan na kaya siya?"

Mayamaya biglang may kumakatok sa pintuan ng kwarto namin. Agad ko iyon binuksan, tumampad sa'kin si Dianne. Naka-maikling short lang siya.

"Hi, Ally! Tara labas na tayo rito. Punta na tayo sa beach."

"Ahh-kayo na lang! Wala pa kasi si Frits eh,"

Hinila ako palabas ni Dianne.
"Wag mo ng intayin ang boyfriend or Husband mo, maligo na tayo."

"Ayoko! Hihintayin ko s'iya." pagmamatigas ko sa kanya.

Tumaas ang kanang kilay ni Dianne at nagcross-arm. "Hello! Okay ka lang! Hihintayin mo siya. Hindi mo nga alam kung nasaan siya? Magmumukmok ka diyan. Hindi mo naman alam kung kailan siya darating, baka nga nag party-party na iyon eh, or baka nasa beach na iyon."

"Baka hindi naman siguro gano'n ang nangyari. Wag mong pag-isipan ng masama si Frits."

"Hindi ko siya. Pinag-iisipan ng masama. Ang akin lang sana wag kang magmukmok dito. Kaya nga tayo nandito para mag-enjoy hindi para dumayo ng tulog."

"Sige na nga! Saglit lang hintayin mo ako. Magbibihis lang ako."

Ngumiti si Dianne. "Good girl."

Mas mabuti na nga lang na sumama ako. Kaysa naman magmukmok ako rito na hindi ko alam kung anong oras siya darating.

Nagbihis ako ng maikling short. Nagbaon na rin ako ng two piece bikini. In case na kailangan ko. Tapos lumabas na ako ng kwartong tinutuluyan namin.

"Let's go, Dianne!"

Tumango si Dianne. At sabay na kaming umalis ng hotel, kasama namin si Luke at Mhady sa kotse nang pumunta kami do'n, nasa likuran kami ni Dianne. Samantalang si Mhady at Luke ang nasa unanahan ng kotse.

"Luke, hindi mo ba napansin talaga si Frits?" Muli kong tanong sa kanya.

Bahagyang tumawa si Luke.
"Ikaw! Ally, nagseselos na ako niyan sa'yo eh, ilang beses mo na bang tinanong sa'kin 'ya?"

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ni Mhady. Napansin pala iyon ni Dianne kung kaya't naisip niya itong pagtripan.

"Hoy, Luke! Wag ka ngang magsasalita ng ganyan. Tingnan mo oh! Nagagalit si Mhady, nagse-selos kay Ally."

"Hindi ako nagse-selos!" Sagot ni Mhady.

Tumawa si Luke. at saglit na tumingin kay Mhady.

"Selosa talaga si Mhady, Dianne. Siyempre love na love niya ako eh,"

"Ang kapal mo ha!" React ni Mhady.

Napatingin na lang kami ni Dianne sa dalawa. At ng magtama ang mata namin tumawa kaming dalawa.

"Nandito na tayo!" Sabi ni Luke.

Agad kaming bumaba nang ihininto ni Luke ang sasakyan. Pagbaba namin Agad kong napansin sila Patrick. Kasama ang mga girlfriend nila.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now