CHAPTER 37

370K 8.7K 355
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Gusto mo ba ng coffee or milk?" Tanong sa'kin ni Luke. Hindi kasi ako makatulog kung kaya't tinawagan ko siya para may makausap ako.

Umupo siya sa gilid ng kama.
"Coffee na lang siguro."

"Sige, pagtitimpla kita." Ani Luke.

Umiling ako. "Wag na ako na lang magtitimpla. Gusto mo ba pagtimpla rin kita?" Alok ko sa kanya.

Nagsalubong ang isang kilay niya. "Marunong ka na bang magtimpla ng kape? Baka malason ako, ah!"

Hinampas ko siya. "Kainis ka! Kape lang naman, napakadali lang no'n gawin." Pero ang totoo hindi ko pa talaga nasubukang magtimpla ng kape.

"Ha-ha-ha! Nagbibiro lang naman ako."

"Hmpt! Kainis ka eh,"

Hinila niya ako palabas ng kwarto. "Tara na pagtimpla mo na ako ng kape,"

"Ha? Sige-sige!"

Umupo si Luke sa Dining table Habang naghi-hintay ng kape. Agad naman akong pumunta sa kusina upang magtimpla ng kape.

"Paano ba gawin ito? Hu-hu-hu! baka asarin na naman ako ni Luke. Hindi ako marunong."

Kinuha ko ang asukal, naglagay ako ng isang kutsarang asukal sa tasa at isang kutsaritang kape tapos cream. Tapos dahan-dahan kong hinalo. "Sana magustuhan niya." Ginaya ko kasi ang ginagawa ni Yaya sa t'wing nagti-timpla siya ng kape para kay Daddy no'n.

"Oh! Kape mo." Inabot ko sa kanya ang kape matapos kong timplahin.

Ngumiti siya sa'kin habang nakatuon ang mga mata niya sa kapeng hawak ko. "Tinikman mo ba 'yan?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi eh,"

"Tikman mo muna baka malason ako eh,"

I rolled my eyes, "Wag mong inumin. Kung ayaw mo! Ako na lang ang iinom." Tapos tinikman ko ang kapeng tinimpla ko kay Luke. "Mmmm... masarap naman kaya lang napadami ng asukal ko."

"Masarap ba ang tinimpla mo?" Tanong ni Luke.

"Medyo matamis! Pero masarap naman. Tikman mo."

Inabot ko sa kanya ang kape. Tapos dahan-dahan niyang tinikman. Tinitingnan ko ang reaksyon niya. "Ano? okay na ba?"

"Pwede na, hindi na masama sa first time na magtimpla."

Ngumiti ako. Parang ang saya lang na nakapagtimpla ako ng kape at hindi naman panget ang kinalabasan. "Penge ako." Sabi ko.

"Hati na lang tayo Ally, gusto mo ba?"

Tumango ako. "Syempre."

"Ally..."

Tiningnan ko siya. "Bakit?"

"Anong oras na?"

"Pss! Past-eleven pm na." Gusto kong batukan si Luke. Akala ko pa naman kung anong tatanungin. Oras lang pala. May relo naman siya.

"Tara maglakad- lakad tayo sa club house. Kain tayong ice cream or cake gusto mo?"

"Gusto ko 'yung cake."

"Tara na! "

Tumango ako at sumunod na ako kay Luke. Mabilis lang kaming nakarating do'n dahil. Malapit lang naman sa'min. Tapos ginamit pa namin ang kotse niya.

"Dito ka lang Ally, papasok lang ako sa loob para maghanap ng cake mo."

"Sige dito muna ako." Hindi na kasi ako sumama sa loob ng store dahil madaming tao. Pag ganito kasing araw ng sabado. Maraming mga kabataan ang nalalagi do'n. Malapit kasi sa Club house ang Mini park. At ang maliit ng Disco Bar.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now