𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗟𝗢𝗞

3 0 0
                                    


ito na sa sulok nanaman ako, maraming tumatakbo sa isipan na kahit kailan hindi mahulaan ang mga kasagutan
may oras na nalilito pero may oras rin na pag sinagot ang sariling mga tanong nabibigo

may takot, takot na sumubok na subukin yung sarili kung kakayanin ko pa bang mamalagi sa aking isipan palagi o kaya naman hayaan na lang; hayaan na lang na malito sa bawat mga katanungang nag tatago

sa aking palagay ang kupido na ang mag sasabi ng sagot at hindi ang aking sarili o isipan o kaya naman baka ang tadhana na ang gumawa ng paraan para masagot na ang damdamin nating pareho na hindi mahanap ang kasagutan

pero may mga tanong pa rin ako, yun ay ang matatagpuan kaya kita sa mga panahong sawi pa rin ako? o bibigyan kaya ako ng mga palatandaan para ika'y mahanap ko? pag ba nag katagpo ang ating landas hindi ko na ba dadanasin ang salitang sakit o lungkot?

ang aking nais lang ay mahanap ka, at pag nahanap kita mapapawi na ang mga sugat na namamalagi sa aking puso na maski mag pahanggang ngayon naririto pa, kaya ayoko ng mapag-isa dahil takot na akong matuliro

natutuliro sa mga pangako na wala namang kabuluhan para ako'y mapagod ng mag mahal muli
nakakatakot dahil pag nagawa ko ulit 'yon sa aking sarili isa nanamang pagkakamali

palagi kong iniisip ang ating pag kikita, pag kikita na sa tingin ko'y pareho nating di inaasahan pero di kalaunan nama'y alam naman nating pareho na nag kita tayo dahil may dahilan at puso na rin natin ang nag turo patungo sa isa't isa na sa tingin natin hindi na isang pagkakamali kundi isa ng...

'ang landas natin ay nag tagpo na sa tamang lugar at ang lahat ng katanungan ay nasagot na'

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now