𝗕𝗔𝗞𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗡𝗚

3 0 0
                                    

panandalian lang ng mag tagpo tayo
nag katagpo tayo sa paraan na hindi natin
lubos inaasahan.

nakakatuwa isipin na may mga ala-ala tayong
di ko nga lubos makakalimutan pero..
ang ating pag tatagpo ng panandalian ay
nauwi din sa panandaliang katapusan.

katapusan na sobrang kinahina ng buong
sistema ko na halos pati utak ko
hindi ko na mai-proseso ng maayos.

ayaw mo na ba?
pipiliin mo bang tapusin na lang kesa bigyan
pa ulit ng isa pang tyansa?

isa pang tyansa maibalik lang ulit ang dati nating
pag sasama yung dating nag kakaunawaan pa
sa ating mga maliliit na problema.

nasasaktan ako, nasasaktan ako sa mga sinabi
mong pangako, pero sa tingin ko, ako na lang ata
ang mag isang tutupad non,

tulad ng sana'y maging
masaya sana tayo hanggang dulo, pero tinapos mo.

tinapos mo sa dalawang salita lang
sa salitang di ko lubusang inaasahan na lalabas mismo sa bibig mo at 'yon ay ang salitang "tapos na tayo."

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now