𝗕𝗜𝗟𝗜𝗕 𝗔𝗞𝗢 𝗦𝗔𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗧𝗔𝗣𝗪𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔 𝗞𝗔

3 0 0
                                    

Bilib ako sa katatagan na tinataglay mo maging galak ka sana sa mga pagsubok na bawat nalalagpasan mo bumagsak ka man patuloy mo pa rin sana itong pang hawakan.

Sa pag dako sa bagong kinabukasan, ikaw ay palaging maging masayahin at maging malakas lang, maraming suliranin man ang dumaan ipanatag ang kalooban.

Hindi ka nag iisa sa bawat gampanin na iyong haharapin dahil lahat ng tao ay nag hihirap din, pilitin maging matapang sa hamon ng buhay.

Mahalin ang sarili sapagkat ikaw ang nakakaalam sa buhay na nararapat para sa'yo pag dating ng panahon na mapapasakamay mo na ito.

Dakilang ikaw ay marapat lamang magkaro'n ng katapatan maging malakas sa bawat araw na lumilipas, katangi-tanging ikaw ay magkaroon ng maayos at matiwasay na buhay.

Mawala man ang saya sayong mga mata kilalanim mo parin sana ang makapangyarihang Diyos, dahil kundi dahil sa kaniya nawala ka na sana sa landasin at hindi na natagpuan pa.

Pasalamat sa Panginoon dahil ika'y pinatatag at hinanap niya sa kasagsagan ng pag hihirap mo sa buhay na iyong nais nang bigyan ng kalayaan.

Pagkalinga sa presensya ng panginoon ang mag bubukas sa bawat pintong naka sarado na ang bawat isa sa'tin ay nais ng makalaya.

Ang makapangyarihang Diyos ang mag bibigay-daan sa atin sa kasayahan, pag mamahalan, at kadakilaan ng lahat kung ating siya'y pag bubuksan ng pinto ng ating mga puso na nais masiyahan.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now