𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗢 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗢𝗗 𝗥𝗜𝗡

9 0 0
                                    

gustong takasan ang mga pag hihirap at takot
subalit para sa kaniya hindi madali ito,
gustong makamtan ang kalayaan pero ito' y
pinag dadamot sa isang katulad ko.

iniisip ko kung hanggang dito na nga lang ba ako
na kung habang buhay na lang ba akong magiging ganito na malungkot at wala nang kagana-gana
pa sa mundo, napapagod na ako,

nakakapagod ang pag takpan ang sarili na naging matatag ako pero lahat ng 'to ay isang kahibangan lamang dahil bilang isang ako ay napapagod din at hindi na alam ang gagawin,
kung may pipiliin man ako yun ay ang,

maging malaya sa nakakasakal na mga pahintulot at pasabi,
nakakasakal ngunit sa ngayon wala pa akong magawa
sa pagod na 'to parang gusto ko na lang kumawala at mag laho na pawang bula.

bibig na hindi makapag salita, isip na hindi maikalma
sa gitna ng bawat mga problema
damdamin na hindi maipinta, samut-saring emosyon ang hindi maipakita sa aking mukha

maraming oras ang nasayang,

nasayang sa pag iisip nang mga salitang wala akong kwenta at hindi man lang gumagawa ng paraan para muling maging masaya, maging masaya kasama sila at sila na hindi nanaisin patahimikin ang puso kong puno ng kaba.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now