𝗜𝗡𝗔

17 0 0
                                    

Ina ang ilaw ng tahanan
ina ang atin na ring naging sandalan
bagkus kahit siya'y nahihirapan
nandyan parin para tayo'y protektahan.

Minsa'y tayo ay naging masama na rin
sa ating mga ina pero kahit gano'n pa man
siya'y nanatili pa rin sa ating tabi
kaya dapat tayo ay mag pasalamat.

Mag pasalamat sa mga bagay na
naibibigay ng ating ina para tayo'y
mapaligaya sa abot ng kaniyang
makakaya; bilib ako sayo ina.

Nararapat lang sa'yo suklian nang
pag mamahal, alaga, at yakap
madama mo lang din
ang silbi ng isang anak.

Ang isang anak na nanggaling sa
iyong sinapupunan at dinala mo ng siyam
na buwan nang may pag hihirap at pag
sasakripisyo para ito'y iyong
maipanganak lamang.

Salamat sa'yo ina
dahil isa kang napaka magiting na
nanay na tumayo bilang ilaw ng aming
tahanan.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now