𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗢 𝗔𝗞𝗢 ?

2 0 0
                                    


Siguro siya ang pipiliin mo
dahil sino nga ba naman
ako, sino ba ako sayo?
minahal mo ba talaga ako?

Ano ang naging halaga ko
sa buhay mo?
isa lang ba akong
tagapag-pasaya mo?

Tagapag-pasaya mo pag
kinakailangan mo?
paano naman ako?
iniisip mo pa ba ako?

Itong nararamdaman ko
sayo, hindi lang basta
mapupulot mo lang
sa daan at pwedeng

Gamitin lang para sumaya
ka, hindi ito laruan na
pwede mo lang mabili
pag may pera ka

Itong pag mamahal ko
sa'yo higit pa ito sa
pag hinga at pag daloy
ng dugo sa katawan ko

Nawa'y sana'y piliin mo
din naman ako, piliin mo
din naman ako na naririto
sinusubaybayan ka sa
malayo

Kahit alam kong kahit
kailan hindi naman
magiging ako ang taong
nanaisin mo sa bandang
dulo.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Donde viven las historias. Descúbrelo ahora