𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗜𝗡

5 0 0
                                    

Ako'y dalubhasa sa pag gawa ng isang tula datapwa't ako'y inaaral pa ang bawat mga salita, salita na pupukaw sa mga mambabasa.

Pag sulat ng tula na ang naging aking kasama sa mga oras na ako'y nalulumbay
o napupuno ng kalungkutan tula rin ang masasabi kong nag ligtas sa akin.

May mga ala-alang masalimuot, tangi ngang tula ang masasabi kong aking naging kanlungan sa pag-luha at sa pagiging masaya.

Masasabi ko na ang mga tugma nga ng aking tula ay may mga kakulangan pa rin, subalit nanaisin ko pang mas pag pursigihin ng sa gano'n ito'y inyong tangkilikin.

Pangangailangan ng malalim pang pag ninilay para marami pang makakilala sa isang tula na sinulat ng isang makata, mapasaya lamang ang bawat isa.

Mainam nga na subukan mong tingnan ang aking mga pyesa baka ito'y magustuhan mo at sumagap pa ng ibang mga mambabasa at baka ito'y kanilang maibigan.

Ang mga tulang gawa ko'y parang isa ring liriko na tatatak sa iyong isipan na animoy isang awitin na mag kakatugma.

Ngunit ang iba nga lang rito ay puros kaluwalhatian, kalungkutan, pag tangis ng galit, hapis, at paglisan, marami pang iba patungkol sa damdaming nasasaktan.

Pangarap maging isang magaling na manunula o manunulat, hindi nga lang masasabi agad na isang mahusay na sa larangan ng mga tula.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now