𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗚𝗠𝗔 𝗣𝗔

6 0 0
                                    

may mga panahon o araw talaga na hindi mo masasabi kung mahal ka paba niya o nais niya nang lumaya na sa relasyon niyong hindi na masaya.

nais mo siyang palayain dahil hindi na ikaw ang itinitibok ng puso niya.

hirap na hirap ka na pero dahil mahal mo pa siya, isa pa at kahit ilang beses ka pang mag mukhang tanga, sige pa.

kahit ipaglaban mo pa siya kung hindi na rin lang ikaw ang gusto at mahal niya.

wala ring kwenta ang pananatili mo sa tabi niya
marahil nga'y dahil ayaw niya na.

ikaw na lamang itong lumalaban pa para kayong dalawa ay maging matatag pa kahit alam mong nasasaktan ka na.

at lumalaban para sa relasyon niyong hindi naman na maligaya.

mapapaisip ka na lamang kung bakit ikaw na lang,

ikaw na lang, yung laging lumalaban at hindi siya, kaya sa huli'y ikaw ay sumuko na.

mahal, kung ito na rin ang wakas ng ating pagmamahalan
hanggang dito na lang.

sana'y nagawa mo din akong mahalin kahit isang beses lang at napag bigyan kahit isang tyansa lang.

hanggang dito na lang,
paalam.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now