𝗣𝗔𝗚 𝗛𝗜𝗛𝗜𝗡𝗧𝗔𝗬

5 0 0
                                    

Nag hintay nang kay tagal na panahong makapiling ka, subalit, ayaw nga naman talaga tayo pag tagpuin ng tadhana.

Nag hintay maka yakap at mahagkan ka pero na sa iba na pala ang direksyon nating dalawa
kung saan malayo ka at malayo rin ako aking sinta.

Nakakalungkot sapagkat ako'y nag hintay sa taong hindi ako mabibigyan ng pag-asa,

nakakaiyak dahil hindi pala ako ang para sayo sinta.

Masayang nag hintay kahit hindi ako ang magiging iyong kasama,

mananatiling tititigan ka na lang sa napaka layo kasama siya.

Nasayang man ang oras ko sayo, naging masaya naman ako,

binigyan mo ng inspirasyon ang dating mundo na napaka dilim nung dumating ka sa buhay ko'y nag liwanag ito.

Malayo ka man at hindi man ako ang nilalaman o itinitibok ng iyong puso naway maging kalmado lang ang nadarama ko kahit wala ka sa tabi ko.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now