𝗣𝗔𝗚 𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

2 0 0
                                    


Habang papalubog ang araw
ako'y naka dungaw sa gitna ng
kawalan iniisip ang mga
ala-ala nating hindi ko alam
kung may patutungahan
pa ba o wala na.

Siguro nga meron pa, kasi
umaasa pa rin ako na meron pa
at andyan ka pa na pwede ko
pang hingan ng pahinga
kahit saglit lang.

Madama ko lang ulit yung
presensya mo, na madama ko
lang ulit yung pag mamahal mo
kaya ito umaasa pa rin ako na ako
pa rin;
na ako pa rin ang iyong iibigin.

Huwag ka munang umalis
kailangan kita
kailangan kita sa mga panahong
bumabagsak na ang aking mundo
bigyan mo pa sana ako
ng isa pang pagkakataon mahal ko.

Isa pang pagkakataon na mabigyan
mo lang ulit ako ng kanlungan sa mga
panahong
walang-wala na ako;
ikaw na lang,
pwede ba?
ikaw na lang ulit
pag-ibig mo na lang ulit.

𝐇𝐚𝐛𝐢 𝐍𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚Where stories live. Discover now