Chapter 24

155 8 0
                                    

Nalipat na rin ang ibang gamit namin sa condo ni Gavin. Hindi sinabi ng pamilya ko kahit ano. They support all my decisions.



Matanda na rin ako kaya nagagawa ko naman lahat ng gusto ko. I also want Theo to be close to his Daddy.




Naiwan ako sa condo ni Gavin dahil pumasok siya sa trabaho, hinatid niya rin sa school si Theo. Wala akong magawa dito sa condo niya.



Kahit na sa iisang bahay lang kami, hindi pa rin kami magkatabi matulog ni Gavin. Sa sofa siya natutulog dahil gamit ni Theo ang isang kwarto. I feel bad.



Nagluto ako ng pagkain para sa lunch ni Gavin. Wala naman akong magawa dito kaya pupunta na lang ako sa office niya para ihatid ang ginawa kong lunch para sa kanya.



Sumakay ako ng taxi habang hawak ang paper bag na pinaglagyan ko ng lunch ni Gavin. Si Theo lang ang nagawan ko kaninang umaga, he's mad dahil hindi ko siya nagawang balutan ng pagkain niya.



Napansin kong pasilip-silip na tumitingin sa akin ang driver. Hindi na rin ako comfortable sa inaasta ng driver, tama naman ang daan na dinadaanan namin.



Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakamask siya at may itim na sumbrero.



Pagkadating namin sa opisina, agad na rin akong bumaba pero napansin kong bumaba rin ang driver para sundan ako. Lumingon ako sa kanya para magtanong sana kung may kulang ba sa binayad ko pero agad nahulog ang hawak ko nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.





"Long time no see, Aeris!" Isang malaking ngiti ang kumawala sa labi niya.





Para akong estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko.



Pakiramdam ko ay bumalik lahat sa akin ang takot na matagal ko nang kinalimutan. My body is shaking.



He's dead, right? Matagal nang patay si Tristan kasama ang pamilya ko. This is just my imagination, right? Hindi pwedeng nasa harap ko siya ngayon.



Gusto kong umatras nang naglakad siya papalapit sa akin at hinaplos ang buhok ko pero hindi ko magawa. Para bang sumisikip ang dibdib ko.





"I know you're thinking I'm dead, Aeris, but you're wrong. I'm very much alive," he whispered.




Tumulo ang luha ko.



Malakas ko siyang tinulak sabay layo sa kanya. How is Tristan alive?




"Pa... Paanong nabuhay ka?" I asked in disbelief.




He smirked.



Napapikit na lang ako nang bumalik lahat sa akin ang ginawa ni Tristan noon. I covered my ears. My feelings were a chaotic mix.




"Aeris, are you okay?" He tried to touch me but I moved away from him.




"F*ck, don't touch me! Wag na wag mong subukan na lapitan ako," I shouted at him. I was so angry.




Bakit kailangan niya pang bumalik? How is Tristan alive? Bakit hindi na lang ang pamilya ko ang bumalik? Bakit siya pa?




"Hindi ako nandi—" pinutol ko ang sasabihin niya.




"If this is all just my imagination, please lang, tigilan mo na ako! Ang tagal-tagal ko nang nagdudusa, Tristan. Palayain mo na ako! Gusto ko na maging masaya at kalimutan na lang ang lahat. Please, leave me alone." I was about to collapse when someone suddenly caught me.




Started With The Rain (Montenegro series 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora