Chapter 23

170 7 0
                                    

Akala ko matatanggap agad ni Theo ang daddy niya, pero nang makita niya si Gavin at ipakilala ko siya bilang totoo niyang ama, tinalikuran niya kami at pumasok sa kwarto niya.



Sinubukan kong pumasok pero ayaw niyang pagbuksan ang pinto. Natatakot ako para sa anak ko.



Ngayon, nasa harap ng pamilya ko si Gavin dahil gusto nilang makausap siya. Kumatok ulit ako sa pinto pero hindi niya ako pinagbuksan.




"Theo, kausapin mo naman ang mommy!" I raised my voice para mas lalo niyang marinig.




He's been asking me about his dad, but I didn't expect this reaction.



Naiintindihan ko naman ang anak ko dahil mahigit sampung taon na ang lumipas at ngayon lang niya nakita ang ama niya.




"Theo, buksan mo ang pinto! I need to talk to you, son." Sumasakit na ang kamay ko sa kakakatok sa pinto.




Sisigaw na ulit ako pero nagulat ako nang buksan ni Theo ang pinto. Tinalikuran niya ako pero hinayaan niyang bukas ang pinto kaya pumasok ako.



Hinawakan ko ang kamay ni Theo at dinala ko siya sa kwarto niya.




"Hindi ka ba masaya na makita ang daddy mo, anak?" tanong ko sa kanya. Hinaplos niya ang kamay ko.




"Are you hurt, Mommy?" Nakita niya ang kamay kong namumula na.





Binalewala ko ang tanong niya.




"I'm asking you, Theo. Aren't you happy to see your Daddy?" I asked again.




Kita ko ang lungkot at galit sa mga mata niya.




"I'm mad, Mom. Ilang birthday ko na ang lumipas at ngayon lang nagpakita si Daddy, pero may parte sa akin, Mom, na masaya dahil nasilayan ko na siya."




Sana mapatawad ako ng anak ko kapag nalaman niyang walang alam si Gavin sa pagbubuntis ko sa kanya.



Hinaplos ko ang pisngi ni Theo.




"So, why did you turn your back on your Daddy?"




Yumuko siya.




"I just didn't expect that the man I talked to at the mall was my Daddy, Mom." He looked up at me.





"Do you want to see him again, baby?" I asked him.




Tumango siya bilang sagot. Hindi niya maitago ang pamumula ng tenga niya.



Gavin is taking responsibility for Theo as a Dad. Papayag naman ako na hiramin niya si Theo sa akin, gusto ko rin na magkaroon sila ng bonding para wala nang awkwardness sa pagitan nila.



I brought Theo to the living room. Naabutan ko si Gavin na nakaupo habang kausap si Asther.



He looked at me before shifting his gaze to Theo. He stood up and walked towards us.




"Sorry sa nangyari kanina, Gavin. Kinausap ko na rin si Theo-" I was interrupted when Theo approached him and hugged Gavin.




I could see the joy in Gavin's eyes. He couldn't resist his son, so he lifted Theo and hugged him tightly.



"Will you accept me for now, son? I'm sorry it's only now that I'm being a dad."




"I've wanted to see you for a long time, Dad." Theo said joyfully. It's the first time I've seen Theo this happy.



Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now