Chapter 3

1K 23 6
                                    

Life is like a flower's kahit anong ganda malalanta pa rin.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Asther.

"What do you want?"i asked.

"May pupuntahan ako ngayon, Aeris. Mukhang gabi pa bago ako makakauwi"she said.

"Be careful,"i said. Hindi ko sya liningon at kumuha ako ng bagong damit para maligo.

Pumasok ako ng bathroom at hinayaan bumuhos ang tubig sa matawan ko.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin at hindi mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Paglabas ko, nagtaka ako ng makita si Asther sa kwarto ko.

"Diba may pupuntahan ka?"tumayo sya at lumapit sa'kin.

"Gusto mong sumama?"tanong nya pabalik.

Kinuha ko ang blower at ginamit para matuyo ang basa kong buhok.

"Dito lang ako sa bahay,"sabi ko.

"Are you sure?"paninigurado nya.

Ngumiti ako bilang sagot.

"Call me if you need anything"paglabas nya nakahinga naman ako ng maluwag.

Pinatay ko ang blower at binagsak ang ulo ko.

Hapon na rin kaya naisipan kong magluto ng kakainin ko ngayon. Mukhang gabi pa nga talaga sya makakauwi.

Pagkatapos kong magluto, naglinis na rin ako ng bahay namin.

Matagal pa bago uuwi ang parent's namin sa abroad. Tumawag naman sila minsan pero ngayon sobrang busy nila dahil tambak ang trabaho nila ngayon.

Kinuha ko ang mga libro ko at nagbasa ng paulit ulit.

Naglakad ako papunta sa balcony at tiningnan ang buong paligid.

I smiled.

Ang init ng panahon pero hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa susunod.

Suot ko ang jacket ko at naisipan kong lumabas.

Naglalakad lang ako at walang pake alam sa mga nadadaanan ko.

Hindi ko alam kung kaya ko ba o hindi? Paulit ulit ko naman sinusubukan.

Tumigil ako sa paglalakad, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

I can't.

Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin talaga kaya.

Lahat ng alaala sa'kin ay tuluyan bumalik, napahawak ako sa buhok ko. Halos masabunutan ko na ang sarili.

"Ahhh!"malakas na sigaw ko.

Lahat ng sakit, takot ay mananatili pa rin sa loob ko.

Nagmamadali akong umuwi ng bahay, paulit ulit akong nadadapa sa daan.

Aeris! Please stop!

Matagal nang nangyari 'yun. Pero bakit ang hirap kalimutan? Araw araw pumapasok sa utak ko at hindi ko mapigilan sisihin ang sarili ko sa lahat.

Nilock ko ang pintuan ko. Napaupo ako at binuhos ang luha ko.

Walang perpektong tao sa mundo pero bakit kailangan kung maranasan lahat ng kasamaan dito sa mundo?.

Pakiramdam ko ang bagal ng oras para sa'kin.

Nag ring ang phone ko kaya agad akong nagpunas ng luha ko.

Sinagot ko ang tawag sa'kin ni Dad.

"How are you, honey?"he asked.

Linapag ko ang phone sa table ko. Palaging video call kapag tumatawag sila sa'kin.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now