Chapter 13

542 12 6
                                    

Palabas ako ng library ng may makabangga sa aking kaya nahulog ang dalawang libro na dala ko. Kukunin ko na sana ng unahan nya ako.

"I'm sorry! Nagmamadali kasi ako kaya hin-" Tumigil sya ng tumingin sa mga mata ko. " I'm Verno!" Linahad nya ang kanan kamay.

"Thanks!" Kinuha ko ang dalawang libro ko at nilampasan lamang sya.

Ang daling magbago ng isip nya. Akala ko ba nagmamadali sya pero nagawa pang magpakilala sa akin.

Hindi ko na lang pinansin. Pupuntahan ko pa si Gavin.

Late na rin ako ng pumasok sa klase ko. Wala akong katabi dahil walang gustong tumabi sa akin.

Nasa gilid naman nakaupo si Gavin, minsan naman umuupo rin sya sa tabi ko.

Ngumiti ako ng makitang gising na rin sya. Lumapit ako at binigay ang libro na kinuha ko sa library.

"You should study dahil may quiz tayo mamaya," ani ko.

Tatalikuran ko na sana sya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Should i sit beside you?" Nginuso nya ang upuan ko.

Umiling ako bilang sagot at inalis ang kamay kong hawak nya, baka abutan pa kami ng professor.

Hindi ako makakapag focus kung katabi ko sya dahil palaging blanko ang utak ko. Wala akong ibang ma-isip kung hindi sya.

Pagdating ng professor namin pinakilala lang nya ang bagong student, tiniklop ko ang libro ng makitang umupo sya sa tabi ko. Damn!

"Oh! Ikaw yong kanina-" tinuro nya ako.

"Shut up!" Pinaningkitan ko sya ng mata.

Umurong ako ng kaunti. Ewan ko ba, hindi talaga maganda ang amoy ko sa kanya.

Dahil first day nya dito hindi sya nakapag take ng quiz, kung matalino talaga sya kaya nyang sagutin yong kung same course lang naman ang kukunin nya kay Gavin. Isang sub lang talaga kami magkasama.

Bakit ko ba binigay ang libro ko? Wala man lang mali na nakuha si Gavin kumpara sa akin na tatlo ang mali.

"Hindi ka kasi nakikinig sa binubulong ko," sabi ng katabi ko.

"Bingi ako," ani ko at niligpit ang gamit ko.

Kanina pa nya ako binubulong sa mga sagot nya pero hindi ako nakikinig. Wala talaga akong tiwala sa kanya.

Napakurap kurap ako ng makitang nasa harap ko na si Gavin.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero nakasalubong naman ang kilay nya.

Sabay kaming lumabas. Mukha pa rin syang antok kaya nag stop kami sa coffee shop.

Tuwing bumibili kami dito ako na ang nagbabayad. Hindi naman kasi ganoon kamahal tyaka ayaw ko na syang gumastos pa.

Aabot ko na sana ang pera ng ibigay ni Gavin ang black card sa cashier. Napatakip ako ng labi.

"I should spend my money with you," bulong nya pero hindi nakalampas sa pandinig ko.

Paglabas namin ng coffee shop hindi mawala ang tingin ko sa kanya. Gastos ako ng gastos para sa kape namin pero ang dami nyang pera.

Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin ng nagtataka.

"Bakit ka ganyang tumingin sa akin? Iisipon ko tuloy na gusto mo rin-"

"Magbayad ka ng utang mo," matigas na wika ko.

"Utang?"

"Yes, naubos na ang allowance ko dahil palagi na lang ako ang nagbabayad."

"Nagprepresenta akong magbayad pero inuunahan mo ako."

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now